'BAWI MO KUYA'

Panalo na, natalo pa!

Lady Falcons, lumipad ang tsansa sa semis

LeBron dapat bwenasin

Cebu unang team sa semis

100 entries sa SJC int'l derby ngayon


SPORTS UPDATE

Lady Falcons, lumipad ang tsansa sa semis

(Ace Pasco)


Nakaalpas ang Adamson sa matapang na hamon ng Letran kasunod ng 5-set win kagabi para makapuwersa ng playoff para sa huling semifinal berth sa Shakey’s V-League women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Umangat sa 3-4 win-loss record ang Adamson sa pahirapang 25-20, 22-25, 25-20, 18-25, 15-10 panalo at tumabla sa ikalimang puwesto sa 4-peat seeking at defending champion De La Salle na yumuko sa apat na sets sa Lyceum, 17-25, 25-9, 23-25, 20-25.

Limang koponan lang ang aabante sa semis sa event na inihahandog ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision. Bumalik trangko ang first semifinalist Lyceum Lady Pirates sa panalo sa pag-akyat sa 6-1 mark samantalang ang iba pang pasok na sa semifinals na San Sebastian (5-1), Ateneo (3-3), at UST (3-3) ay may mga laro pa sa huling elims playdate sa Martes. Tanggal na ang FEU (2-4) at Letran (1-6).

Pasok na sana ang La Salle sakaling manalo sa Lyceum subalit hindi pumayag ang Lady Pirates na maging tulay ng Lady Archers. Matapos matalo sa opening set, mukhang nakahanap na nang bangis ang 3-peat champions DSLU sa empatikong second set win, 25-9. Pero sa pangunguna nina Sherrilyn Carrillo, Jane Jarin at Cristina Salak, umungos ang Lyceum sa dikdikang third set bago tinigbak ang lahat ng pag-asa ng La Salle sa fourth para sa pambawing tagumpay galing sa 3-set loss sa UST noong Huwebes. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top