|
Lady Falcons, lumipad ang tsansa sa semis 100 entries sa SJC int'l derby ngayon
|
SPORTS
UPDATE
Panalo na, natalo pa! (Ramil Cruz) Panalung-panalo na ang Coke sa abanteng apat na puntos sa nalalabing 12.3 tikada. Subalit sa isang kisapmata’y mala-berdugong umeksena laban sa kanila si Galen Young na nagpatoma sa San Miguel Beer ng kagila-gilalas na 102-101 win sa kanilang 2nd straight do-or-die knockout kagabi. Ang makapanindig-balahibong pag-eskapo ng Beermen sa Tigers ay nagsampa sa kanila sa pang-apat at pampinaleng silya para sa quarterfinals kung saan kabanggaan nila ang Ginebra sa isang best-of-3 series umpisa sa makalawa. Naglundagan na sa galak at saya ang buong bench at fans ng Coke kahit na-split lang ni Rashad Bell ang kanyang free throw mula kay Young sa huling 12.3 segundo dahil naglagak iyon sa Tigers ng 101-97 lead habang nagkalukut-lukot na ang mga mukha ng Beermen. Pero ang maagang selebrasyon ng Coke ay nasundan ng ‘di pa pagwagayway ng puting watawat ng SMB. Kaya matapos ang 99-101 count buhat sa foul shot ni Young sa gumradweyt na si Ali Peek, ay hinaras nina Danny Ildefonso at Dorian Pena sa backcourt si John Arigo na kusang lumabas ng endline para sa turnover, 9.7 saglit ang nalalabi. Pagkatanggap ng inbound ni Young kay Wesley Gonzales ay dinaluhong nito ang zone defense ng Coke tungo sa 3-point play, 2.7 seconds na lang. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|