'BAWI MO KUYA'

Panalo na, natalo pa!

Lady Falcons, lumipad ang tsansa sa semis

LeBron dapat bwenasin

Cebu unang team sa semis

100 entries sa SJC int'l derby ngayon


SPORTS UPDATE

Duguan ang mukha, tapang na lang ang nalabi kay Bobby Pacquiao nang dominahin siya ni Humberto Soto sa kanilang title fight noong Sabado ng gabi sa New York. (AP)

'BAWI MO KUYA'


Babawi si Kuya.

Matapos personal na masaksihan sa ringside ang pagkatalo ng nakababatang kapatid, tinanggap ni Pinoy boxing superstar Manny Pacquiao ang hamon ni Humberto Soto.

Ni-knock out si Soto ang batang Pacquiao na si Bobby sa ikapitong round kahapon sa Madison Square Garden. Kinubabawan ni junior lightweight contender Soto si Bobby halos buong suntukan sa maagang pagpapabagsak sa Pinoy sa unang round pa lang at tinapos ang boksing sa pamamagitan ng isang kanang patama na sinundan ng walang-awang body shot na nagpaluhod kay Bobby sa canvass, 1:48 na lang sa round 7.

Matapang na lumaban si Pacquiao sa kabila ng malaking bentahe sa lakas at bilis ng WBC no. 2 contender na si Soto. Pumutok ang kanang mata ni Bobby sa ikaapat na round at dumugo pa ang ilong nito pero nakipagsabayan pa rin ito at tinamaan ng ilang magagatol na kanang suntok si Sotto sa parehong round.

"Bobby is a real warrior," ani Soto sa isang interview pagkatapos ng laban na undercard sa welterweight showdown nina Miguel Cotto at Zab Judah. Nanaig si Cotto sa main bout sa 11th round stoppage kay Judah.

"But Manny is much busier, throws a lot more punches and hits much harder," patungkol ni Soto mas matanda at mas sikat na Pacquiao. Ayon kay Soto, nakalinyang makalaban niya sina Mexicans Marco Antonio Barrera at Juan Miguel Marquez pero kung siya ang tatanungin, mas pipiliin niyang makasapakan si Manny.

Sa isang panayam naman ng ABS-CBN, tinanggap naman ni Manny ang hamon ni Soto.

‘Tinatanggap ko ‘yung hamon n’ya (Soto). Gusto ko syang kalabanin para malaman ko kung gaano talaga s’ya kalakas," ani ng mas matandang Pacquiao. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top