Alfie Lorenzo

Abu Tilamzik  

Joe Barrameda

Allan Diones

Jun Lalin


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery

 

ENTERTAINMENT

Rufa Mae, nahihiya kay Tonyboy


Na-stress si Rufa Mae Quinto sa isyung sa bahay niya nakunan ng litrato sina Gretchen Barretto at John Estrada habang naghahalikan.

Hindi ikinakaila ni P-chi (palayaw ng sexy comedienne) na nagpunta sina Gretchen, John at marami pang mga kaibigan niya sa bahay niya noong Mayo 27 (Linggo) para i-surprise siya sa bisperas ng kanyang kaarawan.

"Ang daming taong nandoroon. Pagdating ko nga, nagulat ako. Naiyak ako. Sorpresa talaga nila sa akin ‘yon. Si Ogie (Alcasid) ang nag-invite ng mga kaibigan ko.

"Iyak ako nang iyak. Kilala mo naman ako, Friendship (tawag sa amin ni Rufa Mae), mababaw lang ako.

"Mas nata-touch pa ako sa mga ganoong surprises kesa bigyan mo ako ng mga materyal na bagay, although siyempre, touced din ako kapag nireregaluhan, ha.

"Kidding aside, hindi ko naman nakitang naghalikan sina Gretchen at John.

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ‘yung litratong kumalat. Pero nahihiya ako kay Tonyboy (Cojuangco). Saka I have to talk na rin at baka isipin ng mga tao na basta nagkita lang sina Gretchen at John sa bahay ko.

"Bale surprise party talaga ‘yon.

"Saka Friendship, mas gusto ko na mansion ang banggitin kesa sa bahay lang para mas sosyal," nagbibirong pahayag pa ni P-chi.

Umaasa si P-chi na matatapos kaagad ang isyung ito kina Gretchen at John.

Anyway, isa pang isyung nilinaw ni P-chi ay ‘yung sa kanila ni Mark Herras na co-star niya sa Bubble Gang.

May isyu kasing hinamon daw sila ng mga kasamahan nila sa gag show na ‘yon at nag-kiss sila ni Mark. Nakunan pa raw ng litrato ni Pauleen Luna ang halikan nilang ‘yon?

"Okey, Friendship, totoong merong kuha na para kaming nag-kiss, pero biruan lang ‘yon.

"Iyung pagde-deny ni Mark tungkol sa hinamon kami na maghalikan, naiintindihan ko ‘yon. Natural lang na mag-deny si Mark dahil hindi talaga totoo ‘yon.

"Walang dare-dare na nangyari. Nagbibiruan lang na kunwari, eh, tinuturuan ko siyang humalik. Ganoon lang. Wala kaming malaswang ginawa.

"Kung gagawa kami ng malaswa, sana palihim. Sana walang mga tao.

"Wala akong dapat ika-guilty tungkol doon. I don’t have to explain.

"Saka ‘yung sinasabing naghiwalay raw kami ni Erik (Santos) dahil doon, that’s not true. Nate-tense tuloy ako.

"Baka mag-away pa tuloy kami dahil ginagawang isyu ‘yan!" paliwanag ni P-chi.

Nagpaliwanag din siya sa isyung muntik-muntikan na siyang ma-suspend ni MTRCB Chairwoman Laconsolita Laguardia dahil sa malaswang sayaw niya sa S.O.P. Rules at pati na rin sa birthday celebration niya sa HP: To The Highest Level.

Nagpaliwanag na raw siya sa MTRCB tungkol doon.

"Nag-apologize na ako. Kaya behaved talaga ako. Sorry talaga," sabi niya.

***

Going back sa intrigang Gretchen at John, ayon sa ilang mga kaibigan ng magandang aktres, nag-usap na ang magandang aktres at ang lovey-dovey niyang si Tonyboy tungkol doon.

Hindi na raw isyu pa para sa mag-lovey-dovey ang tungkol doon.

Tila may magandang paliwanag si Gretchen kay Tonyboy tungkol sa bagay na ‘yon.

Kung ano ‘yon, gusto na lang daw manahimik ni Gretchen.

Pero dahil sa kontrobersyang kinasangkutan nila ni John, asahan lang na magiging mahigpit na naman si Tonyboy kay Gretchen.

***

Big success ang Love 2 Laugh concert nina Ogie Alcasid at Ai Ai delas Alas sa Winnepeg, Canada.

Ito ang pangatlong show nila sa bansang ‘yon.

Ayon sa isang kasama sa entourage nina Ogie at Ai Ai, tuwang-tuwa ang mga nanood ng Winnepeg show nila dahil pinaglaruan pa ng comedy concert queen ang intrigang malaswa ang kanilang show.

"Malaswa ba ako?" ang tanong ni Ai Ai sa mga nanood ng kanilang Winnepeg show at tawanan at palakpakan daw ang mga tao.

Punumpuno raw ang Burton Cummings Theater sa Winnepeg.

After ng show, pinagkaguluhan ng mga tao sina Ogie at Ai Ai. Lahat ay gustong makapag-picture-taking at magpa-autograph.

"Ibig lang sabihin, enjoy sila sa show at siguro naman sa success ng Winnepeg show namin, eh, walang magsasabing malaswa  ‘yon, ha!" sey pa ng kausap namin.

Hanggang sa Martes pa mananatili ang grupo nina Ogie at Ai Ai sa Canada at saka sila pupunta ng New York, USA para sa show nila roon sa Hunyo 15.

"Wala kaming dapat ika-worry sa concert series namin sa States dahil si Anna Puno (Starmedia Productions) na mismo ang producer namin.

"Si Anna kasi, never nasira ‘yan sa mga artistang kinuha niya dahil bukod sa maasikaso na siya, binabayaran pa niya nang tama ang lahat.

"Noong una naming makilala si Anna at nag-show kami sa kanya, aba, may bonus pa kami at kahit mga P.A., binigyan din niya ng bonus," sey pa ng source namin.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top