|
Showbiz Gallery
|
ENTERTAINMENT
Gretchen, galit daw kay John Interesado pa rin kami sa kumalat na litrato nina John Estrada at Gretchen Barretto na naghahalikan.
Pero tahimik pa rin si Gretchen at hindi pa natin alam kung magsasalita pa siya o mananatiling walang imik sa naturang isyu. Hindi na rin nagsalita si John na ang dinig namin, magsasalita lang daw ito pagkatapos magsalita ni Gretchen. Base sa mga pagtatanong namin sa ilang source, narito ang ilang info na aking nakalap, na hindi namin tiyak kung totoo o hindi. Tinanong daw ni Tonyboy Cojuangco si Gretchen kung may affair ito kay John. Tumanggi raw si Gretchen. Pagkatapos nu’n, niyaya na raw siyang mag-dinner na parang wala nang nangyari. Meron din kaming narinig na inamin daw ni Gretchen na totoo ang halikan iyun, pero wala daw namagitan sa kanila ni John. Lasing daw si Gretchen nung mga oras na iyun na hindi na alam ang mga nangyayari. Nagulat din daw si Gretchen sa reaksyon ni Tonyboy sa iskandalong iyun. "He hugged me. He understands," sabi raw ni Gretchen. Meron ding nagkuwentong ang kaibigan daw ni John ang nagkuha ng litratong iyun kaya galit daw si Gretchen sa aktor na pinagbibintangang nag-post nito sa internet. *** May pahabol na mga pahayag si Yilmaz Bektas sa Startalk, at may binago na naman siya sa kanyang mga pahayag,
Siya nga raw ito at sa totoo lang, matagal nang inaamin ni Bisaya na siya talaga ang sinasabihang "materialist relative" ni Yilmaz. Pero may dinagdag pang "good seller" naman daw ito. Galit na galit si Ruffa Gutierrez nang nakausap namin at umiiyak siya. Ibinulalas na niya ang lahat, at sinabi na kung anong pang-aabuso ang ginagawa sa kanya ni Yilmaz. Hindi pa natatapos yan. Inaasahan naming marami pang sasabihin si Yilmaz laban kay Ruffa. Inaasahan na rin ito ni Ruffa kaya pinaghahandaan niya. Nilinaw ni Ruffa na alam ng lahat ang kanyang buhay at wala siyang itinago kay Yilmaz. Ngayon ay may panibago na namang isyung gustong palabasin ni Yilmaz. Malakas daw ang kutob niyang may ibang karelasyon si Ruffa kaya panay ang balik nito sa Pilipinas. Kung itatanggi raw ito ni Ruffa, may pruweba raw siyang ila labas. Abangan na lang natin y’an. May pahabol pa itong bilin kay Ruffa na huwag daw siyang tawaging husband, dahil hindi raw pala siya ang unang pinakasalan ng aktres. "Hay naku, dong! Obsessed na talaga ‘yan si Yilmaz kay Ruffa. Hindi pala siya ang asawa, eh! Huwag na niyang guluhin si Ruffa," iritang sabi ni Tita Anabelle. "Okay. I’ll call him a psycho," tili naman ni Ruffa. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|