|
Showbiz Gallery
|
ENTERTAINMENT
Juday, 'salbabida' ng career ni Piolo Bakit si Piolo pa ang underdog sa 20th showbiz anniversary ni Juday na Bida ng Buhay Ko? Bakit, si Juday ba ay naging espesyal kay Piolo sa mga selebrasyon niya exept sa launching ng first CD niya sa Greenbelt?
Bakit, si Juday ba eh mahangin at hindi mabait na co-star? Ipinagluluto pa nga sila sa set ni Juday at dinadalhan ng pagkain. Sino ba ang sinabihan ni Piolo na maalalahanin sa set at nililibre ang staff & crew -- si Juday ba? Hindi po. ‘Yung isang naging leading lady niya. Eh talamak na kasabihan sa buong ABS-CBN ang pagka-maldita at primadonna ng kapartner na ‘yun ni Piolo, pinagtakpan pa. Sa totoo lang, si Juday ang lahat ng ‘yan, except pagka-maldita at primmadonna. Si Juday, kailanman ay hindi nagpapak-ap ng shooting or taping! Ganito ang dapat at karapat-dapat lang mangyari. Iharap man natin sa best judge in the universe, the Black Nazarene in Quiapo: dapat lang na sa mga special okasyon meron si Piolo Pascual, si Juday ang dapat na maging special honoreee niya, Juday being the one who made it possible for Piolo to be where he is now! Wala pang bayad ‘yan kaya until now, umaangal ako, ipinaglalaban ang tama for Judy Ann. Nagkaroon ng public awareness kay Piolo dahil sa exposure niya sa mga Judy Ann projects, from Esperanza the teleserye to Esperanza the movie to Kahit Isang Saglit, Bakit Di Totohanin, Till There Was Yul, Sa Puso Ko Iingatan Ka (na hindi naman tinupad!) to Sa Piling Mo, Don’t Give Up On Us. Sino ba at ano ba si Piolo before that? Extra lang sa Batang PX ni Patrick Garcia, debah? Second lead lang kay Marvin Agustin sa Kung Kailangan Mo Ako, debah? Naging lead actor siya sa mga project ni Juday. Ngayon eh bakit lumalabas na si Juday pa ang may utang na loob kay Piolo dahil nakatulong daw ito sa career ni Juday.
This is a fact -- F-A-C-T poh -- baka masuspinde rin tayo ng MTRCB for mispronouncing the word. Kumbaga sa swimming, si Juday ang lifesaver ni Piolo, salbabida ng buhay niya dahil tuwing lalagapak ang mga project for Piolo, hayan at itatambal kay Juday para ma-forget ang movies ni Piolo na hindi kumita. Gumawa ng I Think I’m In Love si Piolo with Joyce Jimenez -- semplang sa takilya! Ang movie na ‘yan ay dapat Juday-Piolo pero may powers-that-be na humarang sa project – hindi matutuloy ang movie kapag si Juday ang partner ni Piolo. Kaya para hindi masira ang kontrata with Regal ay ibang leading lady ang ipinalit kay Juday. This reminds us of the Vilma-Christopher loveteam na para masolo ng Viva Films ang loveteam at hindi na si Mother Lily ang kumita, pinapirma ni Boss Vic si Boyet ng exclusive contract na sa Viva Films lang sila pwedeng magtambal. Nawalan ng partner si Ate Vi at isinilang ang mga hindi kumita niyang movies na Sister Stella L at Baby Tsina. Ipinartner si Piolo kay Donita Rose sa 9 Mornings. Puyat yata ang moviegoers kaya hindi nakapanood sa umaga. Sinudan ‘yun ng tambalan with Juday to cover up for the sori na lang po. Dalawang teleserye ang ibinigay kay Piolo: Bittercup at Mangarap Ka -- did it make Angelica Panganiban? Papasikat na si Angelica nu’ng kasama sa teleserye ni Juday pero anong nangyari sa Mangarap Ka? Sinundan ‘yun ng pagbibida ni Angelica sa Santa Santita, hindi naman pala, nagpapanggap lang? Ang Mangarap Ka ay sinundan ng isang pang masamang panaginip for Piolo. Ang Dream Boy nila ni Bea Alonzo ay naging bad dream at isang bangungot dahil isang Richard Gutierrez lang pala ang magpapakain ng alikabok kay Piolo. Iyan ang strategy na kapag semplang sa takilya ang movie ni Piolo ay kaagad igagawa ng movie o teleserye (pagsusunurin pa, huh!), parang tulad ng Sa Puso Ko Iingatan Ka and what movie was that? Like Don’t Give Up On Us and Sa Piling Mo -- highly transparent ba ang moves? Napulot lang ang strategy na ‘yan kay Lolit Solis nu’ng hawakan na niya si Gabby Concepcion (mula sa amin). Porke gusto ni Lolit eh marami siyang makomisyon kay Gabby, sige lang ng tanggap nang tanggap ng anumang projects for Gabby whether good or bad for Gabby dahil ang katuwiran ni Lolit, "Kung malugi man ang producer, kumita naman kami ni Gabby dahil bayad si Gabby. Isang project lang ni Gabino with Sharon Cuneta, makalilimutan na lahat ‘yang mga flopsina ni Gabo!" True naman, debah? So, maiiba pa ba si Piolo kay Gabby at si Juday sa ate niyang si Shawie na mga tagasagip ng buhay? Buhay na ano... pating? Kung box-office hits at paramihan ng flops ang pag-uusapan ay walang big star ang nakaligtas diyan -- hindi solo ng mga hindi sikatsupoy ang field na ‘yan. "Dito sa atin, may flop movies din sina Nida Blanca, Charito Solis, Lolita Rodriguez, Amalia & Susan, Nora-Vilma, Maricel, Dina, Sharon, et al. "Ang maganda lang sa Pilipinas, either/or ang labanan. Either lugi ka sa takilya pero mag-uuwi ka naman ng sangkatutak na tropeo ng karangalan, debah, Madam Violet? "Magnifico ka kapag ganyan. Kapag flop sa takilya ang movie, may consolation naman na win ng best -- ang mga kaugnay sa movie, best actor, supporting, story, direction, etc. "Pag blockbuster ang movie kahit na superpangit for the critics, "Kiber ko!" sey lang ng producer! Bakit, si Juday ba eh walang mga flop? Meron, of course! Alin ba ang kahanga-hanga? Hindi ba ‘yung "it’s not how many times you fall, but how you stood up and stayed all these years?" Juday is now on her 21st year of her showbiz life (20years lang muna ang ipinagdiriwang, dahil debah this year ina-award ‘yung last year’s winners?) and she owes everything to the public who gave their trust and love to Judy Ann kaya bilang pasasalamat, itong libreng show sa Araneta Coliseum sa June 16 ay bilang pasasalamat sa lahat ng mga biyayang bumuhos at bumaha sa kanya tulad ng bagyong Milenyo. Kaya go lahat ng interesado. Iyung mga walang paki eh mamatay na lang kayo sa inggit! Sadyang ganyan ang buhay, hindi gaganda ang istorya kung walang mga kontrabida! Sa buhay na ito, dapat matuto tayong lumingon sa pinanggalingan – ‘wag magpaka-stiff neck, ayaw ng ganyan ng Papa Alex Santos ko! ‘Yung pinagmulan natin serves as an inspiration to where we are going further in life. With every step we learn thru our mistakes. Always remember (na tinandaan ni juday hindi pa man siya bihasa sa English): "You cannot make a rainbow without a little bit of rain." Nakakita na ba kayo ng rainbow sa gitna ng init ng kasikatan ng araw lalo na pag summer? Kailangan ‘yung konting ambon o tikatik na ulanitis (maliliit na patak ng ulan ) para aapir ang bahag ng hari o bahaghari – debah, ‘yung bahaghari eh para ngang bahag ng hari na colorful na likhang Ifugao ng Baguio City? |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|