Mystery Girl


Showbiz Today

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Mystery Girl


Sa teledramang Impostora ng GMA 7, sunud-sunod na pagsubok ang pinagdadaanan ni Adelle (Gelli de Belen) at ng kanyang kambal.

Ipaaalaga muna ni Adelle si Lara sa pinsan niyang si Gemma (Jan Marini Alano). Sila naman ni Sara ay patuloy na makikitira kay Saling. 

Pagkalipas ng 12 taon, ang palabang si Lara (Iza Calzado) ay isa nang kunduktora ng bus.

Ang pinsan ng kambal na si Nessa (Sunshine Dizon) ay isa nang sikat na product endorser at socialite.

At si Sara (Iza Calzado) ay tinutuya ng mga kapit-bahay dahil sa kanyang nasirang mukha.

Tanging hangad ni Sara ang muling makita ang kanyang kakambal na si Lara.

***

Nakalolokah, nakawiwindang, nakagugulantang ang isyung halikan nina John Estrada at Gretchen Barretto sa bahay ni Rufa Mae Quinto.

Noong Biyernes nang gabi ibinalita sa TV Patrol ang naturang halikan.

Ang litrato ay naka-post daw sa Internet website na yehey.com.

Aba! Biglang nawala sa yehey.com ang nasabing litrato.

Andoon pa rin naman ang posts sa ‘message boards’ (‘entertainment’ section).

"John Estrada, ang lupet! Idol!"

"Greta, Greta, Greta… you can’t have it all talaga girl and you can’t buy taste."

Iyon daw babae sa background ay ‘instant celebrity.’ Tates ba ang pangalan ng babaeng ‘yun?

Kaanu-anu ba ni Herbert Baustita ang ‘mystery girl’ na ‘yon?

Nakausap na nga ba ni Rufa Mae ang ‘mystery girl’?

Pinagbawalan nga ba ang ‘mystery girl’ na magsalita tungkol sa kontrobersyal na halikan?

Isang lalaking kalbo raw ang kumuha ng pinag-uusapang litrato. Jay nga ba ang pangalan ng lalaking ‘yon?

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top