Cyber Prayer

Usapang OFW

Payong Kapatid, Kuya Rom


 

PUBLIC SERVICE

Nawawala ang papel


Dear Tita Nora,

May pamilya na ako at sila ang priority ko.

Mahal ko sila lalo na ang mga anak ko pero hindi ko gusto minsan ang pag-uugali ng misis ko.

Pag nagdesisyon siya sa isang bagay ay basta na lang niyang ginagawa, kahit na hindi niya isinasangguni sa akin.

Pag may plano siya o gustong bilhin, kahit ayoko ay wala rin akong nagagawa dahil nasusunod din naman ang gusto niya.

Parang nawawala na ang papel ko bilang ama at asawa.

Ano ang gagawin ko?

 

Amby

 

Dear Amby,

I-assert mo ang authority mo. Hindi tamang lagi ka na lang yuyuko sa mga plano at gusto ng asawa mo. Kung inaakala mong wala na siya sa lugar ay huwag mo siyang kunsintihin. Hindi sa lahat ng oras ay kailangang ikaw ang magbigay.

Mag-usap kayo nang masinsinan. Sabihin mo ang mga ayaw at gusto mo baka sakaling masalamin niya ang mga mali niya.

Kahit mahal mo siya kung pakiramdam mo’y naaabuso ka na’t namimihasa na siya’y turuan mo rin siyang tanggapin ang mga kasalanan niya’t pagkukulang.

Hindi masamang laging magpakumbaba. Pero dapat mo ring tandaan na ikaw ang lalaki at padre-de-pamilya. Panindigan mo ang pagkalalaki mo kung ayaw mong lumala ang problema mo.

Good luck and God bless you.

 

Love,

Tita Nora

 

Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, #167 Liberty Roberto S. Oca St., Port Area, Manila.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top