|
'KISSING PHOTO' PAKANA NG KAMPO NI JOHN Palasyo, De Venecia atras sa ChaCha Ruffa, handang saklolohan ng Malacañang Gumagawa ng depektibong textbooks, parusahan-Ping
|
TOP
STORIES
Maguindanao polls hahatulan (Boyet Jadulco) Inaasahang magpapatigasan ngayon sina Genuine Opposition (GO) senatorial bet Aquilino ‘Koko’ Pimentel III at Team Unity (TU) candidate Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri sa harap ng Commission on Elections (Comelec) kung dapat bang bilangin ang certificate of canvass (COC) ng lalawigan ng Maguindanao kung saan naka-12-0 ang mga kandidato ng administrasyon. Nanindigan kahapon si Pimentel na huwag nang bilangin ang provincial COC ng Maguindanao dahil sa kawalan ng supporting document nito at ituloy na ang proklamasyon ng ika-11 at ika-12 na nanalo sa senatorial elections. Maaari naman umanong maghabol ang matatalong senatorial candidate sa Senate Electoral Tribunal (SET). Ngunit ayaw namang pumayag ni Zubiri na maitsapuwera ang COC ang Maguindanao dahil sa kawawa naman daw ang mga taong bumoto sa lalawigang ito. "Kung mabibilang ang COC ng Maguindanao, tapos na ang boksing papasok ako sa no. 12," ani Zubiri. Ngayong araw pinahaharap ni Comelec Chairman Benjamin Abalos si Maguindanao provincial supervisor Lintang Bedol upang magpaliwanag kung bakit naka-12-0 ang TU at 19 na kandidato ang nakakuha ng zero vote. Hinihingi rin ni Abalos kay Bedol ang supporting documents ng provincial COC tulad ng municipal COC kung talagang nanalo roon ang mga kandidato ni Pangulong Arroyo. Haharap din ngayon si Maguindanao Rep.-elect Simeon Datumanong, Governor-elect Andal Ampatuan at ang 22 mayor na nahalal upang harangin ang pagdedeklara ng failure of elections sa kanilang lalawigan at ang pagpapatawag ng special elections. Binigyang-diin pa ni Pimentel na ilegal ang deklarasyon ng failure of elections at ang pagpapatawag ng special elections dahil sa wala namang nagpetisyon sa Comelec para dito. "Any special election in Maguindanao must be called in accordance with the requirements of the law, because it is the taxpayers money which will be spent for this political exercise," pagdidiin pa ni Pimentel. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|