'KISSING PHOTO' PAKANA NG KAMPO NI JOHN

Palasyo, De Venecia atras sa ChaCha

Ruffa, handang saklolohan ng Malacañang

Gumagawa ng depektibong textbooks, parusahan-Ping

Maguindanao polls hahatulan

Walang color coding


Hulaan Blues

Crime Stories


TOP STORIES

Gumagawa ng depektibong textbooks, parusahan-Ping

(Boyet Jadulco)


Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson sa Department of Education (DepEd) na parusahan ang mga publisher at supplier ng mga depektibong textbook sa pampublikong paaralan dahil bukod sa hindi lang nito sinasayang ang pera ng taong bayan, hindi rin ito nakakatulong sa pagbibigay ng wastong edukasyon sa mga mag-aaral.

Hiniling ito ni Lacson matapos maglitawan ang reklamo sa mga depektibong textbook nang magbukas ang school year 2007-2008 noong nakaraang Lunes.

Sinabi pa ng senador na mawawalan ng saysay ang pagbasura ng kagawaran sa P1.3 bilyong anomalous textbook deal kung marami pa ring publisher at supplier ang gumagawa ng kalokohan sa paglilimbag ng mababang kalidad ng libro.

"We hope the concerned agencies become diligent enough to really correct errors, or at least impose sanctions on suppliers and publishers that commit errors," pagdidiin pa ni Lacson.

Noong Enero lamang ay ibinunyag ni Lacson na mahigit-kumulang sa 60,000 textbook na ipapamahagi sa elementarya ang may mga baligtad na pahina. Hindi mapanagot ng DepEd ang printer ng nasabing libro dahil sa ibang bansa pa pala ito ipinagawa.

Naniniwala pa ang senador na kaya nagkakaroon ng mga depektibong textbook sa mga pampublikong paaralan ay dahil na rin sa kontrolado ng isang publishing group ang textbook contract sa naturang kagarawan.

Sa P 2.06 bilyong budget ng DepEd ngayong taon para sa textbook, aabot sa 75 percent ang makokorner umano ng Vibal Publishing Group. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top