'KISSING PHOTO' PAKANA NG KAMPO NI JOHN

Palasyo, De Venecia atras sa ChaCha

Ruffa, handang saklolohan ng Malacañang

Gumagawa ng depektibong textbooks, parusahan-Ping

Maguindanao polls hahatulan

Walang color coding


Hulaan Blues

Crime Stories


TOP STORIES

Ruffa handang saklolohan ng Malacañang

(Rose S. Miranda)


Matapos ibulgar ni actress-beauty queen Ruffa Gutierrez ang umano’y mga pambubugbog at peligro ng kanyang buhay sa piling ng Turkish husband na si Yilmaz Bertas, agad na nagpahayag ang Malacañang kahapon ng kahandaang sumaklolo sa una hinggil sa kinakaharap nitong problema.

Nang hinggan ng reaksyon ng TONITE sa nasabing usapin, pinayuhan ni secretary to the cabinet Ricardo Saludo si Gutierrez na huwag mag-alala dahil handa ang gobyerno na tumulong dito kung kinakailangan.

Sa text message sa TONITE, pinayuhan pa ng palace official ang kontrobersyal na aktres na humingi ng tulong sa Philippine National Police (PNP) at sa korte upang hindi makalapit si Yilmaz sa kanya at sa kanilang dalawang anak, lalo na umano kung may basehan ang paratang ng aktres na nanganganib ang buhay niya sa kamay ng kanyang banyagang asawa.

Ayon pa kay Saludo, hindi rin puwedeng basta na lamang kunin ni Yilmaz ang dalawa nitong anak kay Gutierrez nang walang pahintulot ang huli dahil ito ay malinaw umanong kidnapping.

"The law requires her (Ruffa) permission for her children to go abroad. Taking them from her forcibly is of course kidnapping and police can provide protection in case of imminent danger to the kids. Courts can also issue restraining orders against people who are found to be threats to Ruffa and children," ani Saludo.

Ayon sa Malacañang, dapat na ipatupad ang Philippine laws sa problema ni Gutierrez dahil Filipino citizen ito at nasa Pilipinas din ang dalawa nitong paslit na anak kay Yilmaz.

PRIVATE MATTER -- BUNYE

Samantala, inamin kahapon ng tagapagsalita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Press Secretary Ignacio Bunye na nakuha ni Gutierrez ang kanilang simpatiya ngunit taliwas sa pahayag ni Saludo, sinabi nito na "private matter" ang isyu kaya wala pa umano nakikitang dahilan upang makialam dito ang gobyerno.

"As a wife and as a mother, she will be sympathetic but this is a purely private matter," ani Bunye.

FORMAL REQUEST LANG...

Subalit nilinaw ni Saludo, private matter pa man daw ngayon ang problema ng aktres, ngunit sa oras naman daw na kailangan nito (Gutierrez) ng tulong ay handa ang PNP na asistehan ito. At kahit "private case" umano ay "willing" pa rin tumulong ang gobyerno sa pamamagitan ng PNP kung may pormal na request mula sa kampo ni Gutierrez.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top