Lovescope

Krosword

Jokes Lang Po

Wordhunt


 

LEISURE

Ang itlog ng matandang binata


Lagi kong ipinagdarasal na sana, matagpuan ko na ‘yung taong mamahalin ko nang sobra-sobra.

Tinupad naman ni God. Nakita ko na!

Pero nakalimutan kong ipagdasal na sana, mahal niya rin ako. [0921-358-3704]

Muli, ang pakiusap namin sa mga mambabasa… HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang natitipon sa pitak na ito. Jokes lang po, walang personalan.

***

Josh: Lintek na shampoo ‘to! Ayaw bumula!

Inday: Paano po bubula ‘yan eh hindi naman basa ang buhok ninyo?

Josh: Haller! For dry hair ‘to! Nag-iisip ka ba, Inday?! [Jid 26, 0917-379-3515]

***

Nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng gwardya na nakakita, naloloko na si Erap dahil wala itong itinatanim.

"Sir, wala naman kayong itatanim, ah?!" sabi ng gwardya.

Sagot ni Erap, "Pakialamero! Seedless ‘to!!!" [Jid 26]

***

Mga uri ng itlog ng lalaki…

Binatilyo: fresh egg

Binata: hard boiled

Bagong kasal: sunny side up

Matagal nang kasal: balut

Matandang binata: itlog na maalat

Lolo: bugok [Genesis, 0906-390-3842]

***

Minsan ba, nakikita mo akong kausap ang sarili ko?

:::::

Ngayon, malabo mo na ‘yong makita… kasi…

:::::

Nag-away kami! [Genesis]

***

May mga damdamin na pilit itinatago… May mga puso na ayaw kumibo.

May mga ipinaglalaban na dapat nang isuko.

Pero lagi mong tandaan…

Walang palabok sa McDo. [0916-753-7688]

***

Rush hour, sa isang bus stop…

Binata: Este, miss… m-may sasabihin ako sa ‘yo… A-alam mo…

Dalaga: Naku! Lumang tugtugin na ‘yan! Alam ko na ang sasabihin mo! Na nagkita tayo sa ganu’ng lugar, pero hindi mo lang matandaan ang pangalan ko! Tapos, magpapakilala ka na at poporma! STYLE MO, BULOK!

Binata: Ahh… ehh…

Dalaga: Puwes, gusto kong ipauna sa ‘yo na wala kang aasahan sa akin! Hindi kita gusto! May boyfriend na ‘ko! Gwapo, matangkad, maskulado, malaki ang suweldo, instructor ng judo! Ano ngayon ang masasabi mo?

Binata: ANG MASASABI KO LANG AY TINAGUSAN KA NG DUGO SA PALDA MO!

Dalaga: Ha? [Dark Angel, 0921-237-3184]

***

Isang gabi, may isang lalaking nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay.

Bigla siyang dinagit ng isang babaeng manananggal.

"Ano’ng gagawin mo sa ‘kin?" usisa ng lalaki.

"Ikaw ang gagawin kong hapunan!" tugon ng manananggal.

Nanlaban ang lalaki. Nagpambuno sila sa ere. Maya-maya, inilapag ng manananggal ang lalaki.

Pagkalipas ng dalawang gabi, nakita uli ng lalaki ang manananggal.

"Hoy! Narito ako!" sigaw ng lalaki.

Sagot ng mananggal, "Ayoko sa ‘yo! Manyakis ka! Nilamas-lamas mo ang dyoga ko!" [Dark Angel]

***

Sa buhay, marami kang nagagawang kamalian…

:::::

Sira-ulo ka kasi. [0906-536-5702]

***

"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-share ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero hindi mo naman ibibigay." -- Doraemon [Ms. Furious, 0927-968-6485]

***

A gun can kill someone. Fire can burn someone. Wind can chill. Anger can rage till it tears you apart.

But the power of my smile… hanep! Pati asawa mo, tulala! [Crushliejhay, 0920-343-1147]

***

Inspiring quote of the day:

"Tinatamad na akong tamarin." [Lance 16]

***

Isang araw, pwedeng mawala ang pag-ibig na iniingatan mo. Lahat ng saya, mauuwi na lang sa alaala.

Lahat ng pangarap, hindi na matutupad.

Pero ganoon daw talaga. Hindi lahat ng hawak mo, sa ‘yo. Dahil nakabaon na’y naaagaw pa ng iba. [0910-268-4565]

***

Hindi na kailangang pumorma dahil walang porma.

Bakit kailangan pa ng rosas kung ang boyfriend mo’y mukhang Hudas, dinadaan ka lang sa boladas at himas?

Maghihintay ako, kahit maging kabit mo.

Idadaan na lang sa Viagra. [0910-268-4565]

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top