Top Stories

Crime Stories


 

HULAAN BLUES

Sikat na pulitiko iniwan ng GF dahil sa tatatlong interes sa buhay

(Bernard Taguinod)


Dahil walang ibang kuwento kundi ang kanyang nanay, walang nagtatagal na babae sa buhay ng isang pulitiko na pinaghihirapan ng kanyang mga kaanak na hanapan para siya’y magkasyota lamang.

Ito ang natuklasan ng DPA ng TONITE ukol sa lovelife ng pulitiko kaya nagpapaturo ito ngayon sa kanyang mga kaibigan kung papaano magpaligaya ng babae upang hindi na mawala ang kanyang bagong karelasyon.

Sa report na nasagap ng DPA ng TONITE, lahat ng mga babaing naging karelasyon ng pulitikong ito ay hindi nito hinanap bagkus ay pinaghirapan ito ng mga mahal niya sa buhay.

Isang halimbawa na rito ang isang kilalang babae sa isang maimpluwensyang industriya na ipinain sa pulitiko ng kanyang tiyahin at amo ng bebot kaya sila nagkakilala at kalaunan ay naging magkasintahan.

Subalit tulad ng ibang babaeng dumaan sa buhay ng pulitiko, hindi nagtagal ang bebot dahil na-bored ito sa kanilang relasyon dahil kung sila’y magkasama ay wala na itong ibang kuwento kundi ang kanyang mahal na ina.

Mayroon pang alam na dalawang topic ang pulitiko kapag kakuwentuhan na nito ang kanyang kasintahan pero walang interes dito ang mga bebot dahil kung hindi baril ay kasaysayan ng bansa.

Hindi lang malaman ng DPA ng TONITE kung may iba’t ibang bersyon ang pulitiko sa tatlong paboritong topic kapag kasama nito ang kanyang kasintahan pero malimit na umiinog lamang ang usapan sa kanyang nanay, baril at kasaysayan o history.

Saka lamang nalalaman ng kanyang mga kaanak ang mga ganitong problema sa pulitiko dahil kapag nakikipaghiwalay na ang babae ay kanila itong pinupuntahan para alamin kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sanhi nito, nagbilang ng kasintahan ang mokong subalit ngayon ay naghahabol na sa oras kaya nagpapaturo na ng istilo kung papaano magpaligaya ng babae lalo na’t mayroon na raw itong bagong kasintahan.

Clue: Mula ito sa angkan ng mga pulitiko sa bansa at wala pang pananagutan sa buhay. Lagot ang pulitiko sa kanyang nanay kung hindi siya nanalo hehe.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top