|
Pulis-Kyusi nakipagbarilan sa holdaper, 1 patay Bato-bato pick gang' hinahanting
|
CRIME
STORIES
17-ANYOS TODAS SA FRAT WAR (Irwin Corpuz) Hindi na naisalba ng mga manggagamot ang buhay ng isang binatilyong miyembro ng fraternity na sinumpak ng grupo ng mga kabataang miyembro ng kalabang fraternity sa Marikina City. Ang biktima na hindi na naisalba pa ng mga manggagamot ng St. Victoria Hospital ay nakilalang si Alberto Pangilinan, 17, miyembro ng Rest In Peace (RIP) Fraternity at residente ng Gold St., Minahan Interiro, Bgy. Malanday, Marikina City. Pinaghahanap naman ng mga operatiba ang suspek na nagngangalang Ronald Bagania miyembro naman ng Latin Lord Gangster fraternity at residente ng Silver St., Marikina City. Base sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Ricardo Mendoza III, naganap ang insidente, dakong alas-tres ng madaling-araw kahapon habang ang biktima ay nakatambay malapit sa kanilang bahay nang magdatingan ang grupo ng mga kalalakihang napag-alamang kasapi naman ng kalabang fraternity. Lumapit diumano ang suspek at walang sabi-sabing sinumpak ang biktima sa dibdib. Bago ang panunumpak, ang fraternity na kinabibilangan ng suspek ay natalo umano sa unang pagsasalpukan ng mga ito laban sa grupo ng RIP, kung saan, ang panunumpak sa biktima ay bahagi ng paghihiganti ng fraternity na kinabibilangan ng suspek. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|