Allan Diones

Aurora Veronika

Jojo Gabinete


Pralala Et Cetera


 

ENTERTAINMENT

Katrina, natatawa sa labanan nila ni Angel


Feel na feel ni Katrina Halili ang pagtatanggol sa ex-boyfriend ni Nancy Castiglione na si Bullet Jalosjos na balitang nanliligaw sa kanya ngayon.

Nang makausap namin kamakailan si Katrina sa mini-presscon ng GMA Artist Center sa Old Spaghetti House ay super-defend siya kay Bullet sa isyung sinasaktan umano nito si Nancy.

Ayon kay Katrina, hindi niya sinasabing sinungaling si Nancy pero sa pagkakakilala niya kay Bullet ay hindi ito ‘yung tipo ng lalake na nananakit ng babae.

Marunong daw siyang bumasa ng tao at sinisiguro niya sa aming mabait at gentleman si Bullet na mag-aapat na buwan na niyang kakilala.

Bukod doon ay guwapo raw ito at marunong makisama sa lahat ng tao kaya ito ang tipo ng nobyong ipakilala mo sa magulang mo at mga kaibigan.

Sa Dakak (na pag-aari ng pamilya nina Bullet) sila nagkakilala nu’ng Pebrero nang mag-shoot doon ang Eat Bulaga. Mas madalas dito sa Maynila si Bullet kaya lumalabas-labas sila at nagtatawagan, pero hindi pa sila magsyota dahil hindi ito nanliligaw.

Obvious kay Katrina na type niya si Bullet. Ang binata ang inspirasyon niya ngayon dahil walang ibang guys na malapit sa kanya kundi ito.

Samantala, hanggang sa Hunyo 15 pa pala ang botohan para sa ‘FHM Sexiest Women in the World 2006’ kung saan neck-to-neck ang labanan nina Katrina at Angel Locsin.

Masaya na raw si Katrina na nu’ng hindi pa siya kilala ay nag-top 8 na siya noon sa naturang listahan, tapos ngayon ay siya na ang nakikipag-agawan sa top spot.

Kaibigan at ka-close niya si Angel (na kakumpetensiya rin niya sa Majika sa puso ni Dennis Trillo) kaya parang natatawa lang siya na sila ang pinaglalaban.

Masarap sa pakiramdam ni Katrina kung totoong mas nahumaling sa kanya ang kalalakihan dahil sa kanyang sexy FHM calendar.

Pero ayon sa kanya, malabo pang makita sa pelikula ang kanyang seksing katawan dahil hindi pa siya handang maghubad.

Hindi niya rin alam kung ano nang nangyari sa Regal movie na gagawin niya dahil hindi pa ulit nakikipag-meeting ang Artist Center tungkol dito.

***

Matangkad, maputi at tsinito ang type ng 16-anyos na si Inah Revilla sa isang boylet, pero ang pagiging cute, mabait at Amboy (lalo na ang American accent) ang nagustuhan niya sa bago niyang crush na si Gerald Anderson.

Kinapalan ni Inah ang mukha niya at siya mismo ang nagpakilala sa PBB teens nu’ng makita niya ang mga ito sa hallway ng ABS nang mag-guest sila sa Homeboy. Nandu’n din sina Mikee, Kim at Jamilla pero kinilig siya nang magpapiktur sila ni Daniella Barretto (anak nina Dennis at Marjorie) kasama si Gerald.

Alam ng dad niyang si Sen. Bong Revilla na hindi seryosohan ‘yon at normal lang sa mga bagets ang magka-crush kaya maiintindihan nito na after Dennis Trillo ay si Gerald naman ang ina-admire niya.

May mga boys daw na nagpaparamdam kay Inah sa school niyang De La Salle-Zobel (incoming 4th year high school siya) pero never pa siyang nagka-boyfriend. Saka na raw siguro pag 18 y/o na siya.

Kasama si Inah sa movie ng daddy niya at ni Ai Ai delas Alas na Kapag Tumibok Ang Puso (Not Once, But Twice).

Manood kaya ang bagets ng Bench Fever (sa Araneta Coliseum sa Hunyo 30) kapag nalaman niyang kasama sa mga bagets celebrities na rarampa ang crush niyang si Gerald?

***

Hindi kami nagtakang artista na ang alaga ni Bambbi Fuentes na si Tim Espinoza dahil ito ang pinakaguwaping sa dance group na D’Freemales.

Ang 19 y/o na si Tim (Timothy James Espinoza Bundalia in real life) ang male lead sa digital film na Jupit, na tungkol sa buhay-buhay ng mga parloristang bading.

Swak sa kanya ang balikbayan role dahil sa totoong buhay ay ipinanganak at lumaki si Tim sa San Diego, California. Dreamboy o love interest ni Ate Gay ang papel niya sa digifilm pero ayaw ni Tim ng term na ‘dyowa ng bading’ dahil hindi naman naging sila ni Ate Gay sa movie at hanggang pantasya lang ito sa kanya.

Marunong mag-Tagalog ang bagets pero napansin ni Jojo Gabinete na mala-Joyce Jimenez magsalita si Tim dahil sa kanyang American accent.

Next week ay magsisimula na raw siyang magpa-tutor para mas mahasa ang kanyang Tagalog.

Aksidente lang ang pagsu-showbiz ni Tim dahil nagkataon na may rehearsal sila sa pinaggaganapan ng auditions para sa Jupit.

Inimbitahan ng komedyanteng si Rommel Chika (na nasa cast din kasama nina Ate Gay at Ryan Forbes) ang ilang members ng Freemales at pagkakita ng direktor kay Tim ay agad pinatawag si Bambbi para magpirmahan na sila ng kontrata (at in fairness ay malaki ang talent fee ng bagets, huh!).

Walang kissing scene o love scene si Tim sa Jupit pero may eksenang naka-boxer shorts lang siya at basa ang hubad na katawan habang nagka-car wash.

Hindi niya raw kayang magtodo-hubad dahil wholesome ang image niya.

Kahit nag-aartista na ay hindi niya raw iiwan ang mga kasamahan niya sa Freemales dahil bonded na sila at kaya niyang pagsabayin ang dancing at acting.

Isang taon na ang bagets sa grupo na regular na nagsasayaw sa CloseUp To Fame ng Dos.

Nu’ng nag-aaral pa si Tim sa Amerika ay may nagawa siyang stage plays (at nakapagdirek pa ng isa), kaya meron siyang acting experience.

Wish niya na makagawa pa ng maraming pelikula at makasama ang kanyang showbiz idols na sina Christopher de Leon, Cesar Montano, Dennis Trillo at Kris Aquino.

Nakadalawang GF na siya pero ngayon ay loveless daw ang bagets. Crush ni Tim sina Maja Salvador at Marian Rivera na madalas bak-apan ng Freemales.

Sa Hulyo ang playdate ng digifilm na Jupit na mula sa direksyon ng baguhang filmmaker na si Alvin Fortuno.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top