JUNE 08, 2013 SATURDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
June 07, 2013
As of 2:20 pm
U. States 42.1675
Bahrain Dinar 111.856
Can Dollar 41.0631
Euro 55.8555
Aus Dollar 40.0704
HK Dollar 5.43281
Japan Yen 0.435897
Saudi Riyal 11.2433
S’pore Dollar 33.8939
Taiwan Dollar 1.41844
UAE Dirham 11.4831
UK Pound 65.7661
 
Custom Search
'Kapuso Milyonaryo' promo, mamimigay
ng house & lot, mga kotse at milyones
 
 

KASUNOD ng matagumpay na Kapuso Milyonaryo at Kapuso Milyonaryo sa Pasko promos noong nakaraang taon, mas malalaki at mas magagandang papremyo para sa mga manonood ang handog ng GMA Network sa pinaigting na Kapuso Milyonaryo Todo Papremyo

Simula Hunyo 17 (Lunes), ang mga masusugid na Kapuso viewers ay magkakaroon ng tsansang manalo ng house & lot, kotse at limpak-limpak na salapi sa loob ng walong (8) linggo. Madaling sumali!

Kailangan lamang magpadala ng required proof-of-purchase ng partner-sponsors at ihulog ang entries sa piling Mercury Drugstore branches at GMA TV at radio stations nationwide.

Ang GMA Network, kasama ng partner-sponsors nito na Globe Prepaid, Argentina Corned Beef, Yakult the Probiotic Drink, Surf, Sunsilk, Cream Silk, Knorr Cubes, Energen at Nescafe Classic, ay mamimigay ng mga exciting na papremyong mahigit P25M ang halaga, TAX-FREE!

Para sa WEEKLY DRAWS, maaaring manalo ng isa sa mga sumusunod:

Walong (8) weekly winners ng P7,000 bawat isa Apatnapung (40) weekly winners ng P10,000 each mula sa Surf, Sunsilk, Cream Silk at Knorr Cubes

Para sa GRAND DRAW, lahat ng non-winning entries mula sa Week 1 hanggang Week 8 ay may tsansa na mapanalunan ang isa sa mga sumusunod na papremyo:

Isang (1) house & lot mula sa Camella

Dalawang (2) brand-new JAC Stallion pick-ups

Dalawang (2) brand-new cars mula sa Energen

Isang (1) P500,000 mula sa Argentina Corned Beef

Siyam (9) na P1M cash mula sa mga partner brands

Magkakaroon din ng tatlong (3) surprise winners na mabibigyan ng P1M cash each!

Ang pagpapadala ng entries para sa Kapuso Milyonaryo Todo Papremyo ay magsisimula sa Hunyo 17 hanggang Agosto 11, 2013.

Para sa karagdagang detalye, panoorin lang ang Kapuso Milyonaryo Todo Papremyo mechanics at proof-of-purchase plugs na magsisimulang umere sa Hunyo 10.

Maaari ring tumawag sa promo hotline na 9227372 sa Metro Manila at 1800-10-922-7372 sa labas ng Metro Manila.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION