June 05, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
NLEX fee ibababa
(Rose Miranda)
 

Simula sa darating na Hunyo 30, ibababa na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll rates sa North Luzon Expressway (NLEX) gamit ang bagong rate adjustment na aakma sa kasalukuyang foreign exchange.
Sa talumpati ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa “Egg Festival” sa San Nicolas, Pampanga, mahigpit nitong ipinag-utos na sa loob ng susunod na dalawang taon at anim na buwan ay hindi dapat na magtaas ng toll rate sa NLEX at kung magpapatupad man ng pagtaas sa mga susunod na taon ay kailangang maliit lamang ito at ibabase sa bagong adjustment rate formula na ipapatupad ng TRB.
Nakiusap din si Pangulong Arroyo sa mga pangunahing bus operators na bumibiyahe sa NLEX na ipako ang singil sa pamasahe sa 2004 level nito.
Umaasa rin ang Pangulo na sa pagbaba ng toll rate sa NLEX ay ibababa din ng mga negosyante ang presyo ng mga iniluluwas na produkto.
Sa kasalukuyan, ang toll fees sa NLEX ay nasa P67 hanggang P180 sa class 1 vehicles o light vehicles, P166 hanggang P449 sa class 2 vehicles o buses at P200 hanggang P539 sa class 3 vehicles o heavy trucks.
Kung magkano ang itatapyas sa NLEX toll fee ay pag-aaralan pa ng TRB base sa babalangkasing bagong rate adjustment.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES