June 05, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
“DUKUTIN DIN ANG MATA N’YA”
(Nonnie Ferriol/Erika Maala)
 

“Hindi sapat ang kasong frustrated murder, ang kailangan sa kanya ay patayin o dukutin din ang mata, dahil para na rin niyang pinatay ang anak ko at maging kaming mga magulang dahil habambuhay na dadalhin ng anak ko ang kakulangan ng paningin at napakasakit para sa amin iyon.”
Ito ang halos hindi maputol na hinagpis ni Fely Diaz, ina ng 3-anyos na si Kryzzy Anne, na dinukot ang mata ng suspek na si Rolly Semira, 24, tubong Bacolod City at pansamantalang nanunuluyan sa No. 7th St., Block 17, GHQ, Signal Village, Taguig City.  
Ang suspek na unang nakakulong sa Taguig City detention cell ay inilipat na sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa Bicutan, na sinampahan na rin ng kasong frustrated murder.
Hindi matanggap ng pamilya Diaz ang kasong frustrated murder laban sa suspek dahil ayon sa ina ng biktima, makukulong lang ang suspek at makakalaya din. Bukod pa sa wala naman umanong sakit ang nakulong, dahil kumpleto at wala pa ring bawas ang katawan nito, subalit ang ginawa umano nito sa kanyang anak ay walang kasing sakit.
Idinagdag pa nito na dapat maramdaman ng suspek ang sakit na ginawa nito sa kanyang anak, kung kaya’t dapat din lang umanong dukutin ang mata nito o kaya ay patayin para wala na umanong mabiktima.  
Nanatili sa Rizal Medical Center si Kryzzy Anne, bagama’t nailipat na sa pribadong silid ng hospital ay nanatili pa ring inoobserbahan ng mga doktor dahil sa patuloy na pamamaga ng pinagtanggalan ng mata nito at maging ng kanang mata, na tinangka ring dukutin ng suspek.
Nang alamin naman ang sitwasyon ng suspek sa Camp Bagong Diwa, sinabi ni PO3 Junrin Obico, Station Investigation Division ng Taguig Police na normal ang ikinikilos nito.
Ang ipinakita umano nitong pagiging abnormal nang arestuhin matapos isagawa ang pagdukot ng mata ng paslit ay mukhang palabas lamang.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES