JUNE 01, 2012 FRIDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
May 31, 2012
As of 2:05 pm
U. States 43.5900
Bahrain Dinar 115.685
Can Dollar 42.4123
Euro 54.0315
Aus Dollar 42.3995
HK Dollar 5.61427
Japan Yen 0.553023
Saudi Riyal 11.6233
S’pore Dollar 33.8767
Taiwan Dollar 1.46077
UAE Dirham 11.8667
UK Pound 67.4774
 
Custom Search

Wowie, magpo-focus sa pamilya

(GORGY RULA)
 

IBINALITA ni Gladys Reyes sa Juicy na nagpakasal na ang dating ka-loveteam ni Judy Ann Santos na si Wowie de Guzman.

Nu’ng Sabado raw sa Kings Royale (ng San Fernando, Pampanga) nagpakasal si Wowie sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Sheryl Ann Reyes na taga-Pampanga.

Civil wedding lang daw muna sila dahil balak nilang mag-church wedding sa Pebrero 2013.

Dumalo si Gladys sa wedding kasama ang asawang si Christopher Roxas.

Kuwento pa sa amin ni Gladys, whirlwind romance itong kina Wowie at Sheryl Ann dahil three months pa lang pala ang kanilang relasyon, nagpakasal na sila.

Gusto raw si Wowie ng pamilya nu’ng babae at ibinibigay sa kanya ang isang construction business na ima-manage nito.

Mas gusto raw nilang tumigil na si Wowie sa pag-aartista para matulu­ngan sila sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo.

Sandaling nakausap namin ang aktor na nasa honeymoon pa raw sila sa Baguio.

Masaya na raw siya ngayon at gusto na raw niyang mag-focus sa kanyang pamilya.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION