|
China, nagluksa sa paglubog sa FIBA-Asia Pagulayan, babalik na lang sa Canada Desisyon sa protesta ng DLSU vs Ateneo ilalabas na Canadian Open title, nakipkip pa ni Furyk
|
SPORTS
UPDATE
Na-karma kaya ang Ateneo makaraan ang game vs DLSU? Bagama’t wala pang katugunan ang ginawang protesta ng La Salle laban sa Ateneo hinggil sa pagpasok ng sabay ng dalawang foreign players noong nakaraang Huwebes, mukhang nakisama naman ang suwerte sa Archers nang talunin ang UST via overtime, 90-86, kamakalawa. Sinampal naman yata ng konting karma ang karibal na Eagles nang matalo laban sa FEU, 64-77. Ang panalo ng La Salle ay nagtabla sa kanila sa Ateneo sa 4-2, sa ilalim ng nangungunang UE Warriors kasunod ang FEU na may 3-2, UST 3-3, NU 3-3, Adamson 0-5 at UP Maroons 0-5. Iniwan na ni coach Pumaren ang protesta sa kamay ng UAAP technical Committee. *** Malungkot naman si Kris Aquino sa kanyang asawang si James Yap na hindi napiling lumaro para sa Tokushima-Japan. Katunayan magaling na di umano ang injury ni James sa kanyang paa. *** Habang tumatagal ang laban sa NCAA ay lalong lumalabas ang husay sa paglalaro ng mga players sa naturang liga. Malakas ang San Beda Red ni coach Frankie Lim, gayundin ang Letran Knights ni coach Louie Alas. Abangan na lamang natin kung sino ang papasok sa finals. *** Malamang hindi na mapigilan ang team owner na magpalit ng kanilang coach pagkatapos hindi mapa-champion ang kanilang team. Dapat raw sana ay matagal nang pinalitan si coach. May kaibigan lang ang team owner na nag-advice dito na walang mangyayari kung palit ng palit ng coach. Pero dahil sa nangyari, magpalit kaya ng coach ang team na ito? |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|