|
China, nagluksa sa paglubog sa FIBA-Asia Pagulayan, babalik na lang sa Canada Desisyon sa protesta ng DLSU vs Ateneo ilalabas na Canadian Open title, nakipkip pa ni Furyk
|
SPORTS
UPDATE
Canadian Open title, nakipkip pa ni Furyk TORONTO (AFP) --- Salamat sa kanyang hole-in-one, nagtatak si Jim Furyk ng seven-under 64 rito noong Linggo para matagumpay na madepensahan ang kanyang Canadian Open crown. Nilaro ni Furyk ang kanyang unang sampung holes sa 5-under par at nagtapos ng 16-under total sa distansyang isang stroke ang lamang kay Vijay Singh sa five-million dollar tournament. Singh, ang overnight leader, ay may tsansa sanang nakapuwersa ng playoff sa 20-footer para sa birdie sa 18, pero sumablay ito at nagkasya si Singh para sa par. Nagkarta siya ng 68 para sa 269. "I had my chances, but I couldn’t get it going on the front nine," ani Singh. "I had a chance on the last, but Jim played well. Anyone who shoots seven-under on the last day is deserving." Ipinoste ni Furyk ang una niyang tagumpay sa season at una sapul manalo ng titulo noong isang taon. Nagwagi si Singh ng Canadian Open noong 2004 kung saan inungusan niya sa playoff ang local favorite na si Mike Weir. Ang mga birdies sa first at third holes ang nagpalakas sa tsansa ni Furyk at ang kanyang hole-in-one sa par-three fourth ang nagtulak sa kanya sa trangko. Nagdagdag siya ng birdie sa 10 para marating ang 14-under. "Well, it was a dream start really, to get out - to start the day at three back, I have a lot of respect for Vijay and his game, and I expected him to fire a pretty good number today," ani Furyk. "So to get off to a good jump I thought was key." |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|