NEXT TIME NA LANG ULI

China, nagluksa sa paglubog sa FIBA-Asia

Pagulayan, babalik na lang sa Canada

Staglets, inulitan ang JRU

Desisyon sa protesta ng DLSU vs Ateneo ilalabas na

Canadian Open title, nakipkip pa ni Furyk


Inbound


 

SPORTS UPDATE

Desisyon sa protesta ng DLSU vs Ateneo ilalabas na

(Ace Pasco)


Sa darating na Huwebes o Miyerkules ilalabas ang desisyon ng league commissioner ukol sa protesta ng La Salle sa isang laro nila kontra Ateneo sa UAAP.

Ito ay ayon sa isang text message mula kay UAAP Commissioner Ed Cordero kagabi.

Noong Sabado’y inilagay ng La Salle sa protesta ang laro noong July 26 sa Araneta Coliseum sa pagtuturo sa isang technicality sa paglabag ng Ateneo sa Rule 9 ng liga na nagbabawal na sabay ipasok sa loob ng hardcourt ang dalawang foreign players.

Sa kalagitnaan sa ikalawang yugto ng laro, naantala ng mga limang minuto ang aksyon sa hardcourt nang magdiskusyon sa harap ng officials table ang head referee at sina La Salle coach Franz Pumaren at Ateneo mentor Norman Black.

Sa umpisa’y sobra ng players ang Ateneo sa pagpasok ng Ateneo guard at full-blooded American na si Kirk Long. Iniulat na sinabi ni Black na dapat palitan ni Long ang isa pang foreign player, ang Australian na si Zion Laterre pero nagkamali ang pagpapalit kaya ang isa pang guard na si Jai Reyes ang napalitan. Ang puntong iyon ang inirereklamo ng DLSU na sinasabing magkasabay sa hardcourt noon sina Long at Laterre.

Pero sa pagkaantala’y nasaksihan din na bigla namang nagkulang at naging apat na lang ang players ng Ateneo. Natapos ang diskusyon ng reperi, at nina Pumaren at Black sa pagtawag ng reperi ng isang technical foul sa Ateneo. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top