NEXT TIME NA LANG ULI

China, nagluksa sa paglubog sa FIBA-Asia

Pagulayan, babalik na lang sa Canada

Staglets, inulitan ang JRU

Desisyon sa protesta ng DLSU vs Ateneo ilalabas na

Canadian Open title, nakipkip pa ni Furyk


Inbound


 

SPORTS UPDATE

Pagulayan, babalik na lang sa Canada

(Ramil Cruz)


Nakatakdang mawalan ng isang magaling na billiards player na halos kakalibre ni Efren ‘Bata’ Reyes ang bansa kapag hindi naremedyuhan ng Billiards and Snookers Congress of the Philippines (BSCP) ang kinakaharap na gusot.

Planong magbalik-Canada na lamang ni Fil-Canadian Alex Pagulayan bilang pagpaparamdam ng kanyang banas sa BSCP na humuhusga sa kanyang pagiging hindi seryosong cue artist at sumipa rin para makasargo sa Shanghai (China) leg ng Guinnes Pool Tour sa darating na Agosto 3-5.

"Hindi man lang ako binigyan ng notice ng BSCP basta tinanggal na lang ako. Sabi nila hindi raw ako seryoso sa paglalaro ko para sa ating flag. Everybody naman may laps eh," reaksyon kahapon ng 29-anyos na tubong Cabagan, Isabela at nanirahan sa Toronto, Canada noong siya’y 13-taong gulang pa lang, ilang oras matapos niyang malaman ang aksyon ng congress.

Nagbalik-‘Pinas noong 2004 makaraang masungkit niya ang titulo ng WPA nine-ball championship sa Taiwan ng taong nabanggit, nilarawan ni Pagulayan na ang lahat ng kanyang napanalunang torneo na kinakatawan ang RP ay naglaho ring parang bula sa kanyang ulunan dahil sa ginawa sa kanya ng BSCP.

"Lahat ng napanalunan kong championships na bayan natin ang dala ko, parang nabalewala lahat dahil sa ginawa nila sa akin. Naiisip ko sa ginawa nilang iyan na kulang sila sa pagmamalasakit sa billiards players. Pinagpipilian kong magtayo ng players’ union o kaya bumalik na lang ako ng Canada," bulalas pa niya. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top