NEXT TIME NA LANG ULI

China, nagluksa sa paglubog sa FIBA-Asia

Pagulayan, babalik na lang sa Canada

Staglets, inulitan ang JRU

Desisyon sa protesta ng DLSU vs Ateneo ilalabas na

Canadian Open title, nakipkip pa ni Furyk


Inbound


 


 

SPORTS UPDATE

China, nagluksa sa paglubog sa FIBA-Asia


BEIJING  (AFP) --- Ipinagluksa ng state media sa Tsina ang pinakamasamang performance sa loob ng ilang dekada ng kanilang men’s basketball team nang lumagapak at masibak ito sa first round ng Asian championships.

Ang upset sa Asian basketball power China ay dumating sa bansang may mataas pa namang pangarap marating sa pagtayo nitong punong-abala sa Beijing Olympics sa susunod na taon.

Bagama’t ang ipinadala ng China ay kanila lamang second string team para magdepensa ng Asian crown sa Japan, iginiit pa rin ng Titan Sports at iba pang pahayagan na ito ang unang pagkakataon sa loob ng 32 taon na ang 14-time champions ay nabigong makarating sa knockout stage ng event.

"The team looked ‘dead from the neck up’," banat ng Beijing Times habang papatapos ang laban ng China kontra Pilipinas noong Linggo. Kailangan nilang manalo doon para mabuhay ang tsansa sa quarterfinals pero nabigo ang Chinese team, 74-79.

Noong Sabado, sa Japan naman yumuko ang China.

Aminado si China chief coach A Dijiang na wala sa huwisyo ang kanyang tropa sa importanteng yugto ng pagkatalo sa Pilipinas.

"Their minds went blank, forgetting everything they knew about tactics and technique," aniya sa Titan Sports newspaper.

Subalit inaasahan na ang resulta, anang coach, sa kadahilanang batambata at walang eksperiyensa ang bumuo sa koponan.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top