|
China, nagluksa sa paglubog sa FIBA-Asia Pagulayan, babalik na lang sa Canada Desisyon sa protesta ng DLSU vs Ateneo ilalabas na Canadian Open title, nakipkip pa ni Furyk
|
SPORTS
UPDATE
NEXT TIME NA LANG ULI TOKUSHIMA, Japan --- Nalibing nang tuluyan ang misyon ng SMC-Team Pilipinas na mapabalik ang bansa sa paglalaro sa Olympics matapos ang 35 taon dahil sa nakuhang bangungot na outside shooting ng Jordan kagabi rito. Bumagsak ang Nationals sa target na isa sa quarterfinals berth sa nakatayang dalawa sa Group A ng 24th FIBA-Asia Men’s Championship nang matikman ang masaklap na 84-76 loss kontra kay Rasheim Wright at sa Jordanians sa knockout game sa preliminaries. ‘Di nasustena ng RP 5 ang pinakamagarang umpisa sa laro sa torneo, at naupos unti-unting padako sa duluhan matapos makatirada ng three-pointer at outside jumpers sina Wright, Sam Daghlas at Islam Abbaas sa second half. Sa kabiguang ito, ang paghahangad ng mga Pinoy na makasakote ng puwesto sa 2008 Beijing Summer Olympic Games ay naglaho na rin buhat nang huling sumabak sa 1972 Munich Games. "I took full responsibility for the loss. I personally picked the players and the coaching staff and prepared the team the best possible way. If we didn’t land in the toughest group in this competition, we could have the next round," salaysay ni coach Chot Reyes. Pangalawang talo ito ng Pinoy quintet para tumersera lang sa mga likuran ng Iran at Jordan sa "Group of Death" ng torneong nagsisilbing qualifier para sa susunod na taong Olimpiada. Nalagak na lang ang ‘Pinas sa consolation round kung saan kabangga nito ang Syria ngayong alas-9:00 ng umaga at ang puwestong matinong maabot na lang ay pangsiyam. Inamin din ni Reyes na ang kamalasan sa draw at ang technical foul ng Greek referee sa RP bench sa opening game laban sa Iranians ang ilan pang bagay na nagpabigat sa kampanya ng koponan. "Those are the two heavy breaks we couldn’t overcome. But that’s how life goes. We have to move on from here," dagdag pa ng RP mentor. Ang kabiguan ay bumalewala rin sa pinakamagarang nilaro ni Asi Taulava sa tournament kung saan tumapos siyang may 14 points sa 7-of-11 shooting. Si Wright naman ang pumasan sa Jordan, nagkampeon sa nakaraang Jones Cup sa Taiwan, sa tinibag na 24 pts. Nag-ambag si Daghlas ng 22 at si Zaid Alkhas ay may 16. Ang tatlo ang responsable sa pagbuwelta ng mga Arabo buhat sa siyam na puntos na pagkalubog sa first half, sa pagsasama-sama ng kanilang trey at tirada sa labas upang igiya ang kampo nila sa 54-51 sa pagrolyo ng third quarter.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|