Alfie Lorenzo

Allan Diones

Abu Tilamzik

Joe Barrrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Angel, di mabuting ehemplo sa kabataan


Patuloy na umiinit ang isyu sa pag-alis ni Angel Locsin sa GMA 7 na nagpasikat sa kanya.

Halos araw-araw ay pulos negatibong reaksyon ang naririnig namin, lalo na sa manager niyang si Becky Aguila (na kung tawagin ni Mother Lily ay Ma’am Becky).

Mag-surf kayo sa internet at si Ma’am Becky ang binabakbakan ng mga nagpo-post ng kanilang komento.

Sa pagsisiwalat ni Ma’am Wilma Galvante (Senior Vice President for Entertainment ng GMA7) noong Linggo sa Showbiz Central kaugnay sa mga pakikipag-uusap nila kina Angel at Ma’am Becky, lumalabas na sinungaling sina Angel at Ma’am Becky.

Sabi nga ni Lolit Solis, hindi lang ingrata si Angel kundi traydor pa.

Naku! Kailangang idepensa nina Angel at Ma’am Becky ang sarili nila dahil pumapangit ang imahe nila!

Baka pati ang mga endorsement ng young actress ay i-pullout sa ere!

Lumalabas kasi na si Angel eh hindi mabuting ehemplo, lalo na sa mga kabataan.

***

May nabasa kami na bakit daw noong lumipat sina Patrick Garcia, Marvin Agustin, Camille Prats, John Lapus at Jolina Magdangal sa GMA 7 ay hindi bumira ang iniwang network.

Iba ang estado ng mga ‘yan. Wala na silang career sa Dos noong lumipat.

Si Angel, ginawang reyna sa Siyete at maraming trabaho na nakalaan para sa kanya.

Tama ang sabi ni Redgie Magno (program manager ng mga serye ni Angel) na kung nagpaalam nang maayos sina Angel at Ma’am Becky, at hindi itinago ang balak nilang paglipat-bakod, ay wala sanang problema.

Kung nag-offer ang Siyete at hindi sila nagkasundo, maayos sana ang paghihiwalay nila.

Natatandaan pa namin, nang isulat namin ang panig ni Angel sa hidwaan nila ni Ma’am Becky, nag-text sa amin si Ma’am Becky para linawin ang ilang bagay contrary sa mga sinabi ni Angel.

Ngayon, sila ang magkasama.

Wish namin na sana, tama ang desisyon nila. Sana, hindi nila pagsisihan ang desisyong ito.

Kawawa ang ibang nadamay sa isyung ito.

***

Maswerte ang mga artistang maraming trabaho kumpara sa mga hindi nabibigyan ng trabaho.

Kung ano man ang iwan nila ay maraming sasalo sa mga trabahong ayaw nila.

Strike while the iron is hot, ikanga. Kapag wala na ang mga trabahong iyan, hahanap-hanapin ninyo ‘yan.

Malaki ang kinita ni Angel. Isiniwalat ni Ma’am Wilma na noong 2006 hanggang kalagitnaan ng 2007, mahigit P60M ang kinita ni Angel sa shows niya sa GMA at sa commercials at endorsements na trinabaho ng Siyete. 

Hindi kasama riyan ang ibang mga raket ni Angel, gaya na lamang ng mga pangangampanya ng young actress noong nakaraang eleksyon.

Hayan nga at nakabili si Angel ng bahay worth P15M at cash nagbayad sa sasakyang worth P5M.

Sa laki ng kinita ni Angel, kahit na tumigil na siya ng pag-aartista at seryosohin niya ang negosyong papasukin niya, ayos na ang kinabukasan niya.

Di ba, Maniacquita? Talbog!

***

May tsika na sinilip daw ng kampo ni Angel ang malaking kinikita ni Richard Gutierrez.

Di hamak naman na mas sikat at bata pa lang ay artista na si Richard?

Tatlo ang shows ni Richard sa Siyete – teledrama, Nuts Entertainment at SOP – samantalang kay Angel ay teledrama lang.

Naku! Tigilan nila si Richard! Tahimik ang gwapong aktor at hindi mo makikitaan ‘yan ng reklamo.

Madalas ay sa kanyang sasakyan na lang siya natutulog habang palipat-lipat ng lokasyon ng kanyang mga eksena sa Lupin.

Kaya naman napakaraming blessings ang dumadating sa young actor at una sa lahat ay ang pamilya niya ang nakikinabang sa mga ito.

***

Natawa kami sa kuwento tungkol sa isang aktor na nanliligaw sa isang kontrobersyal na actress.

Sinamahan ng aktor ang kontrobersyal na aktres nang dalawin ng huli ang puntod ng dating boyfriend sa kaarawan ng nasirang aktor.

Hindi pa man daw sila nagtatagal sa puntod ng nasirang aktor ay napahagulgol daw ang aktor na sumama sa nililigawang aktres.

Medyo nagulat ang aktres at ang kasama nito sa inarte ng aktor.

Ang aktres ay hindi umiiyak kundi ipinagdarasal ang kaluluwa ng namayapang boyfriend.

Nagtanong ang kontrobersyal na aktres kung bakit umiiyak ang manliligaw gayung hindi ito close sa namayapang aktor.

Napatingin sa langit ang bading na kasama ng aktres nang sabihin ng aktor na nakatanggap siya ng balitang namatay ang kanyang PRO.

Kaya mo ‘yun, Maniacquita Rivera? Talbog!

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top