Alfie Lorenzo

Allan Diones

Abu Tilamzik

Joe Barrrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

TONYBOY, SINISI NI GRETCHEN


Nakatanggap ako ng text mula sa isang kaibigang sumusubaybay sa mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 at sa isyu ngayon tungkol kay Angel Locsin:

"Sana, tumahimik na ang GMA sa Angel issue. Kasi sa ngayon, ang sympathy nasa Siyete pa, pero kung salita nang salita ang GMA, lalabas na bitter at panicking ang GMA !"

Sa interview ng Showbiz Central kay Ma’am Wilma Galvante ng GMA 7, sinabi niyang  kailangan nang mag-move on dahil hindi naman kay Angel umiikot ang mundo ng telebisyon.

Detalyado at malinaw na sinagot ni Ma’am ang mga isyu tungkol kay Angel at sa manager nitong si Becky Aguila. Siguro, tapos na iyun at hindi na niya kailangang magsalita.

Pero sa mga inilabas na isyu ni Ma’am Wilma, maraming kailangang sagutin si Ma’am Becky (tawag ni Mother Lily Monteverde sa manager ni Angel) lalo na ang tungkol sa isyu sa pera.

Dito nalaman na wala naman pala silang inilabas na pera para sa mga trailer ng Angels sa GMA 7.

Libre itong ibinigay ng GMA 7 sa kanila bilang suporta kay Angel.

Sa halip, may nakuha pa pala sa GMA 7 si Ma’am Becky na P1.5M bilang 50% deposit sa P3M contract nila sa TV rights ng naturang pelikula.

Alam kaya ito ng mga partner at financier nina Angel at Ma’am Becky?

Nai-report kaya sa BIR ang milyun-milyong kinita ni Angel nitong nakaraang taon?

Nagtatanong lang po.

***

Nagsisisi si Manay Lolit Solis kung bakit sinagot niya ang ang mga tanong tungkol kay Angel Locsin.

"Wala naman akong kinalaman diyan, baka mamaya, tilian pa akong sawsaw nang sawsaw sa isyu!" pahayag ni Manay Lolit.

Hindi naman daw niya akalaing palalakihin at pipik-apin ng iba ang interview sa kanya ng TV Patrol.

Nagkomento si Manay Lolit sa Startalk nu’ng Sabado na  tapos na raw iyun.

Pero mapipigilan ba siya kung meron pa ring magtanong? Try daw niyang iwasan.

***

Kahapon nang gabi ay tumulak patungong San Francisco, California sina Gretchen Baretto at Tonyboy Cojuangco.

Baka sumailalim daw uli ng isa pang operasyon si Tonyboy at umaasa si Gretchen na sana, tuluy-tuloy na ang paggaling ng kanyang asawa.

Sa ngayon ay natutuwa na si Gretchen sa kalagayan ni Tonyboy dahil malaki ang improvement nito pero maingat pa rin sila at kailangang sundin nila ang utos ng doktor.

Sinisisi ni Gretchen si Tonyboy dahil mahilig daw itong mag-self diagnose.

Akala raw nito ay asthma ang karamdaman nito kaya mga gamot sa asthma ang tini-take nito at hindi na nagpatingin sa doktor.

Lumala ito kaya nagpatingin na ito sa doktor at doon lang daw nila nalaman na wala pala itong asthma kundi sa lalamunan talaga ang may diperensya.

Ngayon ay may boses na raw na naririnig kay Tonyboy at malaki ang pasasalamat ni Gretchen dahil nakikita na raw niya ang paggaling nito.

Pagbalik nila mula sa Amerika ay malamang na magsasalita si Gretchen ng mas detalyado tungkol pa rin sa isyu sa kanila ni John Estrada.

***

Sa August 10 (9:00 PM, NBC Tent) na ang CRUISE The Provocative Show ng Men of Provoq ng Viva.

Maganda raw ang bentahan ng tikets na nagkakahalaga ng P1,000.

Ipinapangako ng mga taga-Viva na matindi ang gagawin ng kalalakihan ng Provoq at tiyak na ikatutuwa ng mga kabadingan.

Kung nagawa na ni Josh Ivan Morales (aka Maico Eduria) ang halos lahat sa mga nakaraan niyang video, kayang-kaya daw niyang gawin iyun nang live.

Tingnan na lang natin kung hanggang press release lang ito. Pero nakundisyon na raw sila na kailangang maghubad as in todo hubaran sila sa kanilang show.

Kaya dapat na huwag umihi o kumurap ang mga kabadingan at baka may ma-miss sila sa mga gagawin ng mga Provoq.

Kaya bang tapatan ito ng mga kalu-launch lang na Boys.com at Studs?

Bukod kay Josh Ivan, ang iba pang Men of Provoq ay sina Justin de Leon, Anthony Logan, Niko Arellano, Johnron Tañada, Chester Nolledo, John Miller, Gabz del Rosario at Harry Laurel.

***

Txtfwd ni Direk Arman Reyes, nagwaging best actress si Cherry Pie Picache sa Osian’s Cine Fan para sa pelikulang Foster Child.

Congrats, Cherry Pie!

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top