|
Asia, nasarapan nang husto kay Paolo Ina, best actress sa Cinemalaya filmfest
|
ENTERTAINMENT
Asia, nasarapan nang husto kay Paolo (JDO) Mabibili na ang DVD (P299) at
VCD (P199) na Bedtime Stories with Asia Agcaoili, na hango sa kanyang radio
sex-talk show. Kuwento ni Asia kahapon sa Viva office sa Tektite Tower, Ortigas Center, "Iyong una kong video na Sex Guru, nagbigay ako ng tips at styles sa sex. "Iyong sumunod, nagturo ako ng positions plus sex toys. Dito, I talk about my own experiences in life. I tell them lessons. It’s good that they listen to me. ‘You have to be protected. Be responsible.’ "Hopefully, the viewers will change their minds about condom, and I would love that." Ang Bedtime Stories video ay sponsored ng Premiere Condoms na ineendorso ni Asia. "I’m not pro-abortion," pahayag ni Asia. "Maraming nabubuntis sa atin. Iyong mga kabataan, kailangang may know-how about contraceptives. "Kasi, ‘yung ibang nabuntis, nagpupunta sa Quiapo para magpa-abort. Tapos, makikita mo na lang, nasa ospital, namimilipit. It shouldn’t be like that. "I’d like to be one of the people who would guide the youth about responsible sex. "Ang pagtuturo ng safe sex takes a lot of guts. Iyong mga moralista, against sa akin totally. It’s a matter of principle." P50 lamang ang Premiere Condoms na mabibili sa 7-11, Mini-stop at iba pang stores nationwide. "Na-try ko siya, and I enjoyed it! Hindi ako magiging enthusiastic about it kung hindi ako na-impress. "Masarap ang amoy niya… amoy-grapes!" bulalas pa ni Asia. *** Kabilang sa highlights ng
Bedtime Stories ang orgy scene, lesbian scene at pagsu-swing nila ni Paolo
Paraiso. "Na-lost ako kay Paolo nang gawin namin ang movie na Casa, kaya ni-request ko sa Viva na siya ang makaeksena ko sa swing," napangiting banggit ni Asia. Na-‘lost’ na paano? "First time kong ma-arouse nang ganu’n. Hindi ko na kinailangang mag-internalize sa love scene namin. Na-forget ko ‘yung cameras! "Before, kay Patricia Javier ako na-‘lost.’ This time, sa lalaki naman!" sambit pa ni Asia. Na-‘lost’ ba siya uli kay Paolo nang mag-swing sila? "Oo naman! Masarap mag-swing!" mabilis na tugon ni Asia. "Alam mo kung bakit masarap mag-swing? Kasi, when you swing like that, it penetrates more. And when you swing again to the other side, it penetrates more and more. "In bed, you have to gyrate and gyrate. Pero sa swing, ‘yun na ‘yon!" Bukod kay Paolo Paraiso, tampok din sa Bedtime Stories ni Asia sina Vanessa Khain, Irish Contreras, Russia Rimes, Carla samonte, Sachie Sanders, Kaye Villaseñor at ang Men of Provoq na sina Justin de Leon, Gabs del Rosario, Anthony Logan, John Miller, Chester Nolledo at Johnron Tañada. *** Superlakas sa takilya nitong nakaraang weekend ang hand-drawn na The Simpsons Movie. Tinatayang $71.9M ang opening weekend gross ng pelikula nina Homer, Marge, Bart, Lisa at Maggie. #5 ito sa best opening weekend ng taon. Tinalbugan nito ang opening weekend gross ng Transformers, Ghost Rider at Ratatouille. *** Sa teledramang Impostora, susugod si Vanessa (Sunshine Dizon) sa mansion para palayasin si Sara (Sunshine Dizon din). Makakaharap na kaya ni Vanessa ang impostora? Nag-aalala si Nicolas (Mark Anthony Fernandez) sa asawa kaya gusto niyang ipasok ito sa psychiatric clinic. Kaso, hindi sasang-ayon si Doña Anatella (Chanda Romero) sa plano ni Nicolas... *** Na-master na ni Edu Manzano
ang time management bilang boss ng Optical Media Board (OMB) at host ng Umagang
Kayganda at Pilipinas Game KNB. Sa Game KNB, nagte-taping siya dalawang beses isang linggo sa studio ng ABS-CBN mula 6:00 PM hanggang 10:00 PM. Nasa OMB siya mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM. "I wake up at 3:00 AM," kuwento ni Edu. Dumidiretso siya sa Umagang Kayganda na nagsisimula nang 5:30 AM. Malapit lang sa ABS-CBN ang opisina ng OMB, kaya nakapagre-report siya roon nang 8:00 AM. Wala na siyang night life. Kailangang nasa bahay na siya nang 8:00 PM, at nakahiga nang 8:30 PM. Wala siyang pagsisisi sa pagkawala ng kanyang night life. Maliit na sakripisyo ito kumpara sa fulfillment niya sa kanyang mga trabaho. . |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|