|
|
ENTERTAINMENT
Manny, excited makahalikan si Aubrey
Pangiti-ngiti lang siya at halos isang tanong-isang sagot siya kapag iniinterbyu. Nakatutuwa siya kapag tumatawa. Halatang masayahing tao ang pambato nating boksingero mula sa General Santos City. Tatlong pelikula na ang nagawa ni Manny -- ‘Di Ko Kayang Tanggapin with April Boy Regino; Mahal Kita Kahit Sino Ka Pa with Mikey Arroyo & Judy Ann Santos at Basagan ng Mukha with Ronald Gan. Pang-apat na pelikula niya ang Lisensyadong Kamao ng Violett Films na ipalalabas sa Setyembre. Dalawa ang leading leadies dito ni Manny, sina Aubrey Miles at Juliana Palermo. Sa open forum nu’ng presscon ng pelikula ay nabanggit niya na natutuwa siyang makapareha si Aubrey. Totoo bang type niya ito? "Totoo. He! He! He!" sey ni Manny nang maka-one-on-one namin after the presscon. Ano bang attractive kay Aubrey? "Ahmm… cute! At saka sexy siya… saka mabait naman siya, eh!" So, between Aubrey and Juliana, mas type niya si Aubrey? "Oo. Kasi, pareho ang taas naming dalawa! Ha! Ha! Ha!" tawa niya. Excited ba siyang makalikan si Aubrey? "Oo, excited. He! He He! Paghahandaan ko ‘yon. Ha! Ha! Ha!" May nakahalikan na ba siya sa pelikula? "Meron na, sa Basagan ng Mukha. Bed scene pa nga, eh! He! He! He!" Talaga? Kanino? "Kay Barbara Milano!" Kumusta naman? "Ayos lang…" Mas nae-excite ba siya ngayon dahil si Aubrey Miles ang makakahalikan niya? "Oo, excited ako kay Aubrey!" So, type niya talaga si Aubrey? "Oo… sa movie na ‘to. He! He! He!" Sinu-sino pa ba ang iba niyang mga type sa showbiz? "Lahat naman sila, magaganda, eh! Pare-pareho lang…" *** Sa Setyembre 10 ay may laban ulit sa Amerika ang tinaguriang ‘Pacman’ na si Manny Pacquiao. Makakatunggali niya sa Los Angeles ang boksingerong si Hector Velasquez ng Puerto Rico. Kapag nanalo siya roon ay pang-apat na international boxing title na ito ni Pacquiao. Mabuti at nagagawa niyang isingit ang shooting ng pelikula kahit may pinaghahandaan siyang laban? "Matagal pa naman ang laban ko, eh. Bago mag-August, dapat tapos ko na ‘tong pelikula dahil August 1 ang alis ko papuntang L.A. "Marami akong shooting days dito kasi, ako ang bida rito sa Lisensyadong Kamao," dayalog pa ni Manny. Bakit gano’n, ang dami na niyang datung at sikat na sikat na siya bilang boksingero, pero gusto pa rin niyang mag-showbiz at gumawa ng pelikula? "Ang boksing kasi, talagang totoong nangyayari ‘yon, eh. Ang gusto ko sa pelikula, akting lang siya… "At saka mahilig akong manood ng pelikula. Ang paborito ko dati, ‘yung mga magagaling… sina Fernando Poe, Jr., Rudy Fernandez. Actually, napanood ko pa ‘yung mga pelikula nina Ramon Revilla, Lito Lapid at Bong Revilla." Kuwento ni Manny, noon daw ay isa lang siyang ordinaryong bata na pakalat-kalat sa kalye na nakatsinelas sa lugar nila sa GenSan. Pero noon pa raw ay hindi siya palahingi ng pera sa kanyang ina at sa halip ay nagbebenta siya ng kung anu-ano para kumita. Anong pakiramdam niya ngayon na ang layu-layo na ng narating niya -- sikat na siya at madatung? "Masaya ako na binigyan ako ng biyaya na hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang Panginoon," maiksing sagot niya habang nakangti. Itong Lisensyadong Kamao ang unang pelikulang siya ang ibinebenta dahil siya talaga ang bida. Naniniwala ba siyang kikita ito sa takilya? "Oo. Kumpiyansa ako na kikita ang pelikula. Kasi, iba ito, eh. Isang boksingero na naging bida sa pelikula. Sana panoorin nila. At saka ‘yung istorya nito, ang lapit doon sa true-to-life story ko!" sambit pa ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|