|
|
ENTERTAINMENT
Homegrown talents ng ABS-CBN, maiitsa-pwera dahil kay Angel Lumabas na ang matagal nang espekulasyon sa paglipat ni Angel Locsin sa Kapamilya Network nang ma-interview ni Boy Abunda si Becky Aguila (manager ni Angel). Hindi man itinanggi ni Becky nang lumabas ang mga alingasngas, madalas nilang ireklamo ang mga negative reactions o sitsit na diumano’y nanggaling sa mga taga-GMA. Walang masama sa paglipat ni Angel dahil desisyon nila iyon at wala na silang kontrata sa GMA 7. Ang wish lang namin ay
ma-sustain ni Angel ang kinatatayuan niya ngayon at maalagaan siya ng ABS-CBN.
Alam natin ang mga Pinoy, ayaw ng ingrata o balimbing kahit alam natin na
malinis ang pag-alis ni Angel sa GMA 7. Hindi mawala sa isipan namin nang tinatanggihan ni Angel ang role sa Asian Treasures dahil takot yata siya kay Robin Padilla. Nakumbinsi siyang tanggapin iyon dahil baka may makaungos sa kanya kapag sa iba napunta ang role. Ano kaya ang reaksyon ng mga homegrown talents ng ABS-CBN na ngayon ay papasukan sila ng number one female star ng GMA 7? Ma-insecure kaya sila sa pagpasok ni Angel? Mawala kaya sa kanila ang projects na dapat ay para sa kanila? May nagsabi pa na ang kulang sa ABS-CBN ay male lead stars. Hindi na rin kami magugulat kung makikita natin sa mga darating na panahon na ang mga alaga ni Becky Aguila ay mapapanood na rin natin sa ABS-CBN. Ang sa tingin namin na hindi maapektuhan ay si Jennylyn Mercado dahil produkto siya ng Starstruck at may existing contract siya sa GMA 7. I am sure, mababawasan na ang pagkuha sa mga talent ni Becky dahil marami na rin ang nagsu-supply sa kanila gaya ni Tonee Coraza. Pati ang daddy ni Angel ay nagpapa-interview dahil sa kontrobersyang kinasasangkutan ng anak. Dati ay tahimik lang ito na sumusuporta kay Angel. Huwag naman sanang magkatotoo kay Angel ang kawikaang, "Ang naghangad ng kagitna, sansalop ang nawala." *** Hindi pa namin nalilimutan ang
pag-iyak ni Aiza Marquez sa telebisyon nang pinalalayas sila sa kanilang
inuupahang bahay. Hindi pa man nagtatagal iyon ay nakikita na namin si Aiza sa mga bar at kung tingnan namin ay parang hindi siya nagdaan sa ganoong sitwasyon. Hindi kaya palabas lang iyon? Nu’ng isang araw ay may nagtsika sa amin na bastos at walang galang daw sa production staff si Aiza. Nag-iinarte daw si Aiza sa set at akala mo kung sinong umasta. Kung totoo ito ay dapat mag-isip isip si Aiza. Sa dami ng artista, hindi magdadalawang-isip ang produksyon na palitan siya. Hindi ko pinangarap na mapanood na naman siya na umaatungal sa TV. Hindi pwedeng take two sa mga ganoong eksena. Ayaw ni Snooky Serna ng ganyan. *** Maggi-guest si Joyce Jimenez sa Lupin bilang unang girlfriend ni Richard Gutierrez. Madadagdagan ng isa pang sexy girl ang Lupin. Makakasabay ni Joyce si Giselle Sanchez bilang Mama Sanaita, ang may-ari ng Villa Sanaita na organizer ng motorbike derby. Punung-puno ng aksyon ang mga susunod na kabanata ng Lupin. *** Bilang diehard fan ni Princess Diana ay lubos ang aming kagalakan sa malaking concert na in-organize ng dalawang anak niyang sina Prince William at Prince Harry noong birthday niya. Ginanap ito sa Wembley Stadium sa London at sinuportahan ito ng maraming artists mula sa iba’t ibang bansa at dinaluhan ng napakaraming tao. Lubos ang kagalakan ng magkapatid sa malaking kinita ng concert na mapupunta sa iba’t ibang charitable institutions na sinusuportahan nila at ng kanilang namatay na ina. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|