Allan Diones

Jun Lalin

Joe Barrrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Ryan, walang panahon kay Piolo


Muling nag-magic sa takilya ang world’s favorite wizard na si Harry Potter (ginampanan ni Daniel Radcliffe)!

Ang ikalimang pelikula sa serye na Harry Potter and the Order of the Phoenix ay nagtala ng biggest five-day weekend gross ever para sa isang Harry Potter film sa Pilipinas. Humakot ito ng P116.3M nationwide sa 112 locations mula Huly 11 hanggang Hulyo 15.

Sa Metro Manila, binura ng opening weekend gross ng Order of the Phoenix (P89.13M) ang 2005 record ng Goblet of Fire (P79.23M).

Nagtala rin ito ng record bilang second biggest opening weekend gross of the year sumusunod sa Spider-Man 3 (P180.87M) at lamang sa Transformers (P80.64M).

Industry-wide, ang debut ng Order of the Phoenix ang fourth biggest in Philippine box-office history na pinangungunahan ng Spider-Man 3, Spider-Man 2 at Superman Returns.

"Harry has done it again, and we couldn’t be happier with the results," pahayag ni G. Francis Soliven, general manager ng Warner Bros. sa ‘Pinas.

"Cineplexes around the country reported record crowds during the weekend, and we’d like to thank the moviegoing public for turning out to see Harry’s latest adventures."

Ang limang topgrossing cinemas ay TriNoma (P5.19M), IMAX Theatre (P5.13M), Glorietta 4 (P4.46M), SM Megamall (P4.34M) at Gateway (P4.22M).

***

Natutuwa si Ryan Agoncillo na maganda ang naging experience ng nobya niyang si Judy Ann Santos sa pagtatrabaho nito with GMA Films sa pelikulang Ouija.

Ayon kay Ryan, nanggaling siya ng GMA-7 bago siya lumipat ng ABS-CBN kaya alam niya kung paano magtrabaho ang mga taga-Siyete.

Noon daw ay naikukuwento niya kay Juday ang magandang working experience niya sa Kapuso network at ngayon ay naranasan na mismo ito ni Juday.

Pagdating sa intriga na ayaw payagan ng ABS na mag-promote ang horror flick nina Juday at Jolina Magdangal sa Dos samantalang nakapag-promote ang Piolo-Regine movie ng Star Cinema sa Siyete ay ayaw nang makialam pa ni Ryan.

"Actually, wala yata akong dapat maramdaman doon kasi, neither of the movies concerned eh, kasali ako!" katwiran ng actor-TV host.

"Siguro, mas tamang hindi ako magsalita about it because I’m not directly involved and kung anuman ‘yung sabihin ko at kung anuman ‘yung nararamdaman ko, it’s irrelevant, eh! So, mas maganda sigurong tumahimik na lang."

Ayaw ring mag-react ni Ryan sa posibilidad na lalong lumala ang ‘gap’ nila ni Juday kay Piolo dahil sa isyung ito.

"Sorry, but I don’t think it’s any of my business, actually. To tell you the truth, hindi ko siya pinag-iisipan, hindi ko siya pinag-uukulan ng panahon. Kasi, wala akong kinalaman doon sa mga nangyayari," sambit pa ni Ryan.

Present si Ryan sa nakaraang general presscon ng Ouija dahil may date sila that night ni Juday at galing sila sa isang TV guesting.

Kesa tumambay pa raw siya sa kung saan-saang kapihan at gumastos ay pumunta na lang siya ng Plaza Ybarra para hintaying matapos ang kanyang nobya.

"Doon na lang ako sa date namin gagastos! He! He! He!" natatawang hirit ni Ryan.

Ngayong gabi ang dinner meeting nina Juday at Ryan kasama ang bossing ng ABS na si G. Gabby Lopez. Sakaling mapag-usapan nila ang isyu, doon na magkakaalaman kung may pag-asa pa bang makapag-promote ang Ouija sa shows ng Dos o talagang wala na.

***

Ayon sa manager ni Bearwin ‘Da Bear’ Meily na si Direk Manny Valera, ang first magic special ni Bearwin na Stealing Minds ay nakakuha ng 9.95% rating nang ipalabas ito nu’ng Linggo nang gabi sa QTV-11.

Pumapangalawa ito sa highest rating record ng pelikulang Let the Love Begin na nagtala ng 11% nang ipalabas sa QTV-11.

Sa ngayon ay nagko-conceptualize na raw si Bearwin para sa kanyang susunod na magic special.

Dahil wagi ito sa rating ay mukhang matutupad ang promise ng Kapuso network sa comedian-magician na gagawing quarterly ang magic special ni Bearwin.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top