July 23, 2008 -Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
DOLE nilusob ng raliyista
(Aries Cano)
 

Pasorpresang nilusob ng militanteng grupong Anakbayan ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila kahapon ng umaga upang igiit ang pagpapasa ng P125 across-the-board wage increase para sa mga manggagawa.

Ayon sa Anakbayan National Capital Region, hindi band-aid solution ang dapat na ibigay ng gobyerno sa mahihirap dahil patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin habang maliit naman ang sahod ng mga manggagawa.
Gayunman, agad namang napigil ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang mga demonstrador at dinisperse ang kilos-protesta.

Maliban sa pan­sumandaling komosyong namagitan sa mga raliyista at mga kagawad ng pulisya ay wala namang naiulat na karahasang nangyari.

Matapos ang pagka-disperse sa kanilang hanay, nangako naman ang militanteng grupo na magpapatuloy pa ang kanilang mga kilos-protesta bago isagawa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang State of the Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 28.


 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES