July 23, 2008 -Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 

Katas ng VAT ginamit sa facelift ng Kamara

(Bernard Taguinod)
 

Bagama’t pabor na i-renovate ang Batasan Complex, may suspetsa ang isang kongresista na “katas ng VAT” (Value Added Tax) ang ginamit na pondo para dito.
Ginawa ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson ang naturang pahayag matapos makumpirma na hindi mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pondo na ginamit sa renobasyon na nagkakahalaga ng P200 milyon.

“Kung hindi pondo ng House at hiningi lang kay PGMA, baka kasama iyan sa katas ng VAT,” pahayag ni Joson dahil hanggang ngayon ay hindi ipinapaliwanag ng Malacañang kung saan galing ang pondo.

Nauna nang inamin ng liderato ng Kamara na nag-request ang mga ito ng pondo sa gobyerno noong Mayo para sa renovation ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Agad naman umano itong inaprubahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at naglaan ng P200 milyon kaya isinagawa ang pagre-repair sa Batasan Complex na tila sadyang ihahabol sa State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 28.

Hanggang kahapon ay tuloy pa rin ang trabaho sa Kamara lalo na sa ground floor kung saan nagbago na ng tuluyan ang hitsura ng Batasan Complex.

Makikintab na sahig ang sasalubong sa mga tao sa South at North Wing Lobby habang halos nasa finishing touches na ang metal panel wall sa harapang bahagi ng gusali.

Maging ang helipad sa likurang bahagi ng Batasan Complex ay tinapos na rin kahapon dahil dito umano lalapag si Arroyo mula sa Malacañang.

Inaasahang itutuloy ang pagre-repair pagkatapos ng SONA ni Arroyo dahil malaking bahagi pa ng gusali ang hindi pa rin nalalagyan ng metal sheet panel na siyang itinakip sa orihinal na wall ng gusali.

“Mali ang timing ng repair kasi nataon na ginawa sa gitna ng krisis. Pero kailangan talaga kasi napabayaan lalo na ang mga CR,” ani Joson, subalit kailangan pa rin umanong malaman ng mga tao kung saan galing ang pondo.


 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES