July 23, 2008 -Wednesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
CALL CENTER AGENT NANGGAPANG, NANLAMAS!
Armida Rico
 

Dumulog kahapon sa Pasay City Police Station ang isang dalaga upang ipagharap ng reklamo ang kanyang kapitbahay matapos siyang gapangin at lamasin umano habang mahim­bing na natutulog sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng madaling araw.

Bukod sa kasong acts of lasciviousness at trespass to dwel­ling, kinasuhan din ng biktima na itinago sa panga­lang “Glenda”, 28, ang suspek na si Mark Raymond Alegre, 21, call center agent, ng physical injury bunga ng umano’y panununtok sa kanya nang tangkain niyang manlaban.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Andy Lou Vallo ng Women and Children’s Protection Center, mahim­bing na natutulog ang dalaga mula sa maghapong pagbabantay sa kanilang sari-sari store nang maalimpungatan ito dakong alas-2:30 ng madaling araw matapos maramdaman ang maiinit na kamay na lumalamas sa kanyang dibdib.

Napabalikwas ng ba­ngon ang biktima sabay tutop sa kanyang nakabuyangyang na dibdib na pinagnanasaan pa umanong pagmasdan ng suspek.

Kaagad na pinalabas ni Glenda ang suspek subalit sa halip na lumabas ay sinuntok pa umano siya sa pisngi. Nakadampot naman ng walis tambo ang dalaga at hinataw ang binata na nagmadali ng lumabas.

Hinabol pa umano ng biktima ang suspek su­balit sinuntok siyang muli sa braso kaya’t humingi na siya ng tulong sa mga barangay tanod.

Base pa sa salaysay ng biktima matapos makita ng mga barkada ng suspek ang pagsusumbong niya sa barangay, pinagtawanan pa siya bago nagkaisang itago na sa mga tanod si Alegre kaya’t hindi na nadakip.

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang suspek upang madakip at panagutan ang ibinibintang sa kanya.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES