Kung may gusto mang marinig ang mga mambabatas sa Kamara sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ito ay ang kanyang mga plano kung papaano lalabanan ang kahirapan sa bansa.
Tumirik ang ilang sasakyan at nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa Maynila partikular sa Taft Avenue sa may panulukan ng Kalaw St., kahapon nang biglang tumaas ang baha dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan hatid ng bagyong Ferdie. (Jonas Sulit)
Gaya sa larong ito kontra St. Benilde, inaasahang muling magpapakitang-gilas si Davao native slasher Earl Scottie Thompson sa pagharap ng Perpetual Help Altas kontra JRU bukas sa pagpapatuloy ng NCAA games na na-postponed kahapon sanhi ng ulan.
Sasangkalanin ng isa ang pagpapakitang-gilas ng guards para makasabay sa malalaki ng karibal at masawata ang mahirap bantayang import.
Naniniwala naman ang isa pa na malalampasan ang kanilang pagkakasundu-sundo ng mga kilos at mapatunayang magulang na sa ambisyon ding makarating sa rurok ng tagumpay.