JULY 21, 2012 SATURDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
July 20, 2012
As of 2:14pm
U. States 41.8420
Bahrain Dinar 111.020
Can Dollar 41.4857
Euro 51.2513
Aus Dollar 43.5161
HK Dollar 5.39309
Japan Yen 0.532327
Saudi Riyal 11.1605
S’pore Dollar 33.3485
Taiwan Dollar 1.39610
UAE Dirham 11.3944
UK Pound 65.7035
 
Custom Search
Lovi, nadikitan ng curling iron sa hita
Jun Lalin

 

PICTORIAL kahapon ng pelikulang Guni-Guni na pinagbibidahan ni Lovi Poe.


Wala si James Blanco sa pictorial dahil may taping ang Lorenzo’s Time ng ABS-CBN.


Nadatnan ko sa pictorial si Benjamin Alves (pamangkin ni Piolo Pascual) na nagkukuwento kina Leo ­Dominguez at Roselle Monteverde ng ­experiences niya sa shooting ng Guni-Guni.


Ang Guni-Guni ang first movie ni Benjamin at matindi ang expectations sa kanya ng mga tao sa proyektong ito.


Magaling na aktor si Piolo, kaya marami ang nag-e-expect na magaling din si Benjamin.
Anyway, mukhang magaling ang PR ni Benjamin dahil nang makita niya ako sa pictorial ng Guni-Guni ay kaagad niya akong binati.


***


Pinuntahan ko sa dressing room si Lovi habang inaayusan siya.
Naka-short shorts si Lovi, kaya napansin ko na parang may pasa siya sa kanang hita niya.


“Actually, Tito Jun, hindi pasa ‘yan. Ganito kasi ‘yon, minsan, nag-aayos ako at may lakad ako. Hawak-hawak ko ‘yung curling iron, namali ako, nadikit sa hita ko ‘yung curling iron.


“Kaya ayan tuloy, may parang pasa ako sa hita,” paliwanag ni Lovi.
Napansin ko rin ang malaking pimple sa kanang pisngi ni Lovi.
“Hmph! Sign ba ‘yan na in love ka?” pang-­uusisa ko kay Lovi.


“Tito Jun naman, wala akong boyfriend. Hindi rin ako in love, wala talaga. I guess, dahil sa puyat ‘yan o dahil sa cellphone. Baka na-irritate ang face ko dahil palaging nadidikitan ng cellphone kapag nagtetelebabad ako.


“Palagi kong pinalilinis ‘yung cellphone ko para hindi na ma-irritate pa lalo ang skin ko at hindi na madagdagan ang pimple na ‘yan,” sey pa ni Lovi.


Anyway, excited si Lovi sa Guni-Guni na magsu-showing sa mga sinehan sa Agosto.
5th horror movie raw niya ito, pero ‘yung Aswang Chronicles na ginawa niya at mas nauna pa sa Guni-Guni ay hindi pa rin naipapalabas.


Ang first three horror movies ni Lovi ay Shake, Rattle & Roll, White House at ‘yung launching movie niya na Aswang.


Puwede na ba siyang maging Horror Queen dahil lima na ang horror movies niya?
Nangiti lang si Lovi.


***


Nakatsikahan ko noong Huwebes nang gabi sa Smart Araneta Coliseum ang dating PBA payer at ngayon ay coach na ng UE (University of the East) na si Jerry Codiñera.


Natalo ang basketball team na kino-coach ni ­Jerry, pero maganda pa rin ang mood niya.


Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit at bumati. Ipinakilala rin ni Jerry sa akin ang misis niyang si Jean na katulad ni Jerry ay ma-PR din.


Kinumusta sa akin ni Jerry si Ruffa Gutierrez na naging co-star niya noon sa Last 2 Minutes ng ­Regal Films.


Pati ang napapabalitang planong pagkandidato ni Annabelle Rama sa pagka-congress­woman ng Northern District ng Cebu City ay tinanong din sa akin ng coach ng UE na sinagot ko naman ng, “Mukhang wala nang atrasan!”


Sabi ni Jerry, naging mabait sa kanya ang mag-inang Annabelle at Ruffa noong nag-artista siya sa Last 2 Minutes.


***


Speaking of Tita Annabelle, kahapon ay dinalaw niya ang anak na si Richard Gutierrez sa taping ng Makapiling Kang Muli.


May mga proyekto na diniscuss si Bisaya sa kanyang anak.


Sey ko naman kay Bisaya, mukhang kaya siya dumalaw sa taping ng Makapiling Kang Muli ay para masaksihan mismo ang mga balitang nakakarating sa kanya na sobrang sweet sa isa’t isa sina Richard at Sarah Lahbati.


Natawa si Bisaya sa sinabi ko, pero aminado ang nanay ni Richard na bagay ang kanyang anak at si Sarah.


Sa tuwing topic ng usapan namin ni Bisaya sina Richard at Sarah ay parang kinikilig siya sa pagkaka-link ng kanyang anak sa isa sa da­lawang leading ladies nito sa Makapiling Kang Muli.


“Bagay naman silang magka-partner pero hindi ko na tinatanong si Chard kung ano na sila ni ­Sarah,” sey ni Bisaya.


***


Follow me on Twitter (@junlalin)

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION