|
Target ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos umano nitong molestiyahin ang batang kapitbahay at bayaran ng P5 sa Pitogo, Quezon.
Sa report ni PO2 Maricel Catibog ng Pitogo Municipal Station sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Salvado Arminta alyas Badong, residente ng naturang lalawigan.
Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Jona naganap ang insidente dakong alas-singko ng hapon sa loob ng tahanan ng mga ito kamakalawa.
Naglalaro umano ang biktima kasama ang kanyang kapatid nang pumasok ang suspek at agad siyang kinarga.
Dinala umano ng suspek ang biktima sa isang silid kung saan inalis ang kanyang short at panty at pagkatapos ay pinaghihipuan ang maselang bahagi ng katawan nito.
Matapos ang insidente ay binigyan pa umano ng suspek ang biktima ng P5 at tinakot na makukulong ito sa sandaling may makaalam ng insidente.
Bagama’t natakot ay nagsumbong pa rin ang biktima sa kanyang ina na siyang kasama nito sa pagsusumbong sa mga alagad ng batas.
|