 |
| |
| SA MAG-UTOL! |
| Parehong kinalawang ang mga outright semifinalists Air21 at Red Bull Energy Drink sa pagsabak nila sa magkaibang karibal sa Game One ng 2008 SMART-PBA Fiesta Conference sa Cuneta Astrodome sa Pasay City kagabi. |
| |
| Tams sumalo sa 2nd |
| Nakisiksik sa second spot ang Far Eastern University Tamaraws nang masansalan ang mainit na outside shooting ni 5th year veteran Benedict Fernandez sa 70-65 pagsuwag sa hamon ng University of Sto. Tomas Growling Tigers kahapon sa men’s basketball action ng UAAP Season 71 sa PhilSports Arena sa Pasig City. |
| |
Bulls 10, Unibikers 3
|
| Umigkas ang galing at liksi ng batang mandirigma ng Batangas laban sa karanasan ng mas beteranong Dumaguete para hamigin ang unang giyera sa Baseball Philippines Series III finals, 10-3, sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Manila kahapon. |
| |
5 dikit nais ng Lions
|
| Kahit nakabitin sa alanganin ang huling panalo, nais pa ring sakmalin ng defending back-to-back champions San Beda College Red Lions ang University of Perpetual Help Altas ngayon sa men’s basketball competition sa 84th season ng NCAA sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. |
| |
Languido, Tolentino nagsipanalo
|
| Nagsalo sa primerang karangalan ang mga dehadong mananakbo ng Mindanao na sina Juniel Languido at Ailene Tolentino na kumaripas noong Linggo, Hulyo 13 na One Run. One Family. One La Salle. paalis at pabalik sa Fort Bonifacio, Taguig City. |
| |
| Wheelchair race winners |
| Dinomina nina Jonas Matados at Prudencia Panaligan ng kapwa Tahanan Walang Hagdanan, Incorporated sa Cainta, Rizal ang mga karibal patungo sa pamamayagpag sa kani-kanyang dibisyon sa 1st Power Joints 3.6K Wheelchair Race paalis at pabalik sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City kahapon ng umaga. |
| |
| Grand
opening
ng PSG |
| ‘Di bababa sa 200 ang inaasahang pipila bukas sa pagbubukas ng Pasig Square Garden na tatampukan ng “Labanan Sa Pasig Fastest Win One-Cock Ulutan”. |
| |
‘Mini Rambulan ..’ na
|
| Ihahatag na ngayong hapon sa San Juan Coliseum ang isa pang matinding sagupaan ng mga bigating sabungero, ang “Mini Rambulan Part II 5-cock derby” na may papremyong P1.5 milyon. |
| |
Mkti. 4-cocker ngayon
|
| Makaraang makatimbog ng dalawang kampeonato kamakailan, gigiya si Osang dela Cruz sa mga kalahok ngayong hapon sa “WTJ 4-cock derby” sa Makati Coliseum na may 90 sultada. |
| |
| 13th gold medal sa Team USA? |
| Itinuturing ang Team USA sa men’s basketball na pinakamatagumpay na koponan sa kasaysayan ng Olimpiada. Nakapag-uwi na ito ng 12 medalyang ginto sa kabuuang 15 Olimpiada na nilahukan sa loob nang 60 taon. |
| |