MAGSISIMULA ang bagong season ng Daisy Siete na ‘Vaklushii’ ngayong hapon sa GMA 7.
Bida rito sina Mia at Sunshine bilang mga Cebuanang nahatak sa mundo ng kabadingan.
PEKENG BAKLA ang karakter nila rito bilang Miguellita at Shynna!
***
Sa telefantasyang Dyesebel ng GMA 7, magseselos si Dyesebel (Marian Rivera) sa halikan nina Fredo (Dingdong Dantes) at Cassandra (Renz Joyce Juan).
Magsasabunutan ang dalawang babae!
Kanino kakampi si Fredo?
Sa Sirenea, malalaman na ni Erebus (Alfred Vargas) na nagsinungaling si Arana (Jackie Rice) sa kanya.
Mamumrublema naman si Dyangga (Mylene Dizon) sa pagpanhik ni Berbola (Michelle Madrigal) sa lupa.
***
Ipapalabas ang pambaklang romantic comedy na Adam & Steve (2005) sa Miyerkules (Hulyo 23) nang 7:30 PM sa UP Film Institute,
Ayon kay Monching Tabuldan, nakakaaliw ang mga eksena at ang pagmamahalan nina Adam (Craig Chester) at Steve (Malcolm Gets).
Ang tiket ay available sa U.P. Film Theater Box Office (Tel.# 925-0286) at Daven Film Productions (tel.# 916-8814).
***
WANTED: male models, dancers, singers, 18-23 y/o, 5’8” pataas, good-looking, pleasing personality.
Hanapin si Cedrick, Lui, Jaypee o Ruval (cell# 0917-975-4939) sa Ringside Bar, P. Burgos St. cor. Kalayaan Ave., Makati City, mula 10:00 PM hanggang 6:00 AM.
Magdala ng litrato.
***
Hail to the queens of the backstage!
Magpi-premiere ang gay film na The Thank You Girls (kinunan sa Mindanao) sa Agosto 28 nang 7:00 PM sa UP Cine Adarna.
“Define darkness!”
|