KUMALAT sa text at e-mail na hinulaan kuno ng 47 y/o Brazilian professor na JUCELINO NOBREGA DA LUZ na magkakaroon ng napakalakas (8.1 sa Richter scale) na lindol sa Pilipinas pagsapit ng Hulyo 18, 1008, at libu-libo umano ang mamamatay.
KALOKOHAN po ito.
Walang ganoong hula si Prof. Jucelino Nobrega da Luz, kahit i-check n’yo pa sa kanyang website.
Muli, ang pakiusap namin sa mga mambabasa… HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang natitipon sa pitak na ito.
Jokes lang po, walang personalan.
***
KANO: (sumubok mag-Tagalog) Megkanow isang kilow manggow?
PINOY: One way!
KANO: Megkanow?
PINOY: Ay sed ‘one way’!
KANO: Enong eybig sabeyhin ‘wan wey’?
PINOY: Isang daan! Tanga! [Baby Chinito]
***
Kinuha ng isang Kanong pari si Erap bilang interpreter…
PARI: The Lord was crucified between two robbers.
ERAP: Ang Panginoon ay ipinako sa pagitan ng dalawang goma.
PARI: We need to sacrifice.
ERAP: Kailangan natin ang dalawang sakong bigas.
PARI: If we do not repent…
ERAP: Kapag hindi natin pipinturahan uli…
PARI: The wrath of God will come upon us.
ERAP: Ang mga daga ng Diyos ay pupunta sa atin.
(Nagtawanan ang mga tao)
PARI: Well… well…
ERAP: Balon… balon… [Toffie, 0916-792-8785]
***
REPORTER: Balita po, wala na raw balakid kung kayo’y muling tatakbo sa 2010 Presidential Elections.
ERAP: Wala pa sa isip ko ang mga bagay na ‘yan… SA NGAYON! [Adarmi]
***
NEGATIVE SURVEY?
Wala ‘yan kay GMA!
Noon ngang halalang pampanguluhan, TALO siya sa lahat ng survey… pero siya pa rin ang NANALO!
O, di ba… ANG SAYA-SAYA?! [Adarmi]
***
JHONG: Hoy, bobo! Igisa mo ‘yung sardinas para may ulam tayo!
GENER: Oo! Kakaliskisan ko pa ba ang isda?
JHONG: Ay, tanga! Natural para masarap! [Toffie]
***
My grandma once told me, “Do you know that the only word in the dictionary that’s starts with an SU that is pronounced as SH is SUGAR?”
I just smiled and replied, “Sure?”
Hindi nakasagot ang lola ko. [Baby Chinito]
***
Two individuals proceeded towards the apex of a natural geologic protuberance, the purpose of their expedition being the procurement of a sample of fluid hydride of oxygen in a large vessel, the exact size of which was unspecified.
IN SHORT:
Jack and Jill went up the hill to fetch a pail of water. [Baby Chinito]
***
Your temporary absence from my immediate vicnity seems to affect a slight depression of sorts within this realm’s day-to-day existence…
IN SHORT:
I miss you! (THE NOSEBLEED EDITION) [Baby Chinito]
***
Pag naririnig mo ang salitang puchingching o pekengkeng, ano ba ang nasa isip mo?
Sa Visayas at Mindanao, tinatawag nila itong putay, puday at kipay.
Sa Silangang Luzon, ang tawag nila’y buray, lusi at buli.
Tinatawag din itong pepe, pekpek, kiki at kepyas paakyat sa Gitnang Luzon.
At sa Timog Luzon ay uki.
May ilang bayan nga, ang tawag nila ay puwet.
Pwede na rin… medyo malapit na sa katotohanan.
Magkagayon man… alam ng lahat ito ay puke!
Nguni’t… ang hindi ko masikmura ay ang mga Inglesera!
Tinatawag nila itong flower…
PUCHI! Magsitigil nga kayo!
May flower bang nakakatigas ng laman?! Ha?! [Adarmi]
***
QUESTIONS:
Ano ba ang mangyayari kapag inabutan ka ng SIYAM-SIYAM?
Gaano kabilis ang MABILIS PA SA ALAS KUWATRO?
Ano ba ang ginagamit na panulat kapag sinabihan kang ILISTA MO SA TUBIG?
Totoo bang MATAGAL MAMATAY ANG ISANG DAMO? Di ba, isang bunutan lang ‘yun?
‘Di ba, maipapakain pa sa kambing ang damo KAHIT PATAY NA ANG KABAYO?
Bakit kailangan pag mamaluktot kapag MAIKSI ANG KUMOT? Pwede namang patayin ang aircon, ‘di ba?
Gaano ba kasakit ang abutan ka ng PAGKAGAT NG DILIM?
Gaano kabigat ang dugo at walang MAS MATIMBANG pa rito? [Redge Mosfet, 0916-398-6586]
***
DAVID: Pare, ano ang pagkakaiba ng elepante, daan at kalamansi?
JAMES: Hindi ko alam. Ano nga ba?
DAVID: ‘Yung elepante, gumagalaw. ‘Yung daan, hindi gumagalaw!
JAMES: Ano naman ‘yung kalamansi?
DAVID: Wala. Isinama ko lang ‘yun para malito ka!
JAMES: Gusto mo, pigain ko ang utak mo?! [Vin ng Antipolo]
***
Hindi ko talaga makalimutan ang sermon sa akin ni Nanay:
“Pag ikaw, nabulag diyan sa pinaggagawa mo… makikita mo! Makikita mo talaga!” [0915-356-1727]
***
MOMMY: Anak, bakit naging second ka lang sa honor roll?
ANAK: Kasi po, mahina raw ako sa English. Kaya ginawa na lang akong SULATATORIAN! [Pabs Rosas ng Angeles City]
|