July 21, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

RICHARD-KC, MAS SWEET SA PERSONAL

Nora, pinagkakaguluhan pa rin sa casino

Jun Lalin
 

BEVERLY HILLS, CA. ­ --- Kahit nasa magkaibang lugar kami ni Richard Gutierrez, may mga nag-a-update sa akin tungkol sa shooting nila ni KC Concepcion sa Santorini, Greece.
Mukhang abala talaga si Richard sa shooting ng For The First Time dahil hindi niya ako nate-text ng update, mabuti na lang at may ibang nasa grupo na nagkukuwento sa akin.
The latest I heard, mas sweet pa sina Richard at KC sa isa’t isa in between their takes.
Sa isang eksena raw ay nag-comment pa si Direk Joyce Bernal kung bakit mas sweet pa sila sa personal kumpara sa kanilang kinukunang eksena?
Anyway, habang tinitipa ko ang column item na ito ay nasa Fira in Santorini sila at may kinunang mga eksena. Kahapon daw ay kinunan ang beach scenes at romantic moments nina Richard at KC.
Hanggang Hulyo 21 ang shooting nila sa Santorini at babalik kaagad sila ng ‘Pinas.
***
May correction ako sa column item ko about Marian Rivera kahapon.
Korean Airlines ang sinakyan ni Marian from the Philippines. Naiwan siya ng Northwest Airlines flight dahil late siyang dumating ng airport.
After lunch na noong Biyernes nakarating ng L.A. si Marian.
Teka! May naalala ako nang mabalitaan kong na-late si Marian sa kanyang flight.
Ganyang-ganyan din noon si Angel Locsin. Na-late siya sa pagtse-check-in, kaya hindi na siya pinasakay noon sa eroplanong sasakyan sana nito papuntang Cebu para sa isang Kapuso event.
***
Nagpunta ako sa Pechanga Casino noong isang gabi dahil birthday ng friend kong si Violet Caballero.
Sey sa akin ng isang Pinay na nandoon, nakikita pa rin nila sa lugar na ‘yon si Nora Aunor.
Yes, pinagkakaguluhan pa rin si Mama Guy ng mga Pinoy na nandoon kapag nagpupunta ang superstar sa Pechanga Casino.
“Sikat pa rin naman si Nora sa mga Pinoy rito sa Amerika. Mas kilala pa rin siya compared sa ibang mga artista sa atin,” sey ng kausap ko.
***
For feedback, email junlalin88@yahoo.ciom

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES