July 21, 2008 - Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Katrina at Alyssa, inirapan ni Rizza
Abu Tilamzik
 

GUSTONG magsalita ng isang PBB teen evictee sa GMA 7 para ilabas ang mga reklamo niya sa ABS-CBN 2.
Ang daming ipinangako raw sa kanya ng ABS-CBN na hindi natupad kaya ang dami raw niyang ilalabas na ikagugulat daw ng bumubuo ng PBB at ng Kapamilya Network.
Hindi na namin ina­-lam ang detalye ng mga inirereklamo nito dahil hindi ito pinatulan ng GMA 7.
Hindi maganda na magsalita pa siya sa GMA 7 na pawang kasiraan ng katapat na TV network.
Wala akong alam kung meron itong away sa mga taga-Dos, pero malamang na may ideya sila kung sino itong PBB teen na tinutukoy ko.
Kung hindi man sila magkaayos, mas mabuti sigurong bumalik na lang siya sa bansang kina­lakhan niya.
***
May narinig din ka­ming isyung lilipat na raw sa ABS- CBN si Alessandra de Rossi.
Tinanong namin ang aktres sa FHM event nu’ng Huwebes at kaagad na pinabulaanan niya ang isyung iyun.
Wala raw siyang alam na may balak na ilipat siya ng kanyang mana­ger at hindi rin daw niya alam kung may alok sa kanya ang Dos.
Pero wala raw siyang trabaho ngayon sa GMA 7 at naghihintay lang daw siya kung merong project na ibibigay sa kanya.
“Hindi naman pwedeng ako na lang lagi, eh. Siguro, bibigyan naman nila ng chance ang iba pero wala nga akong ginagawa ngayon,” deretsang pahayag ni Alex.
Hindi niya ako sinagot kung saan ba niya gusto, manatili sa GMA 7 o subukan ang maging Kapamilya.
“Kung saan masaya, doon ako,” maikli niyang pahayag.
***
Napangiti si Lorna Tolentino sa tanong ni ‘Nay Lolit sa Startalk kung nakahanda na ba itong tumanggap ng ligaw.
Sa totoo lang, sa panahon ngayon wala sigurong maglalakas-loob na manligaw kay LT.
Tiyak na hindi siya mapapansin dahil abala pa rin ang aktres sa mga inihabilin sa kanya ni Kuya Rudy.
Bukod pa riyan, hindi lang ang mga anak niya ang nakabantay sa kanya kundi ang mga bestfriend ni Rudy Fernandez.
Ani LT, wala sa isip niya ngayon ang mga panliligaw pero mukhang malabong makadiskarte kung sino man ang may balak.
Bukod sa malapit nang bumalik sa trabaho ang aktres, pinagkakaabala­han pa rin niya ang pagpapatayo ng mausoleo para kay Kuya Rudy.
Pagkatapos magbiyahe ni LT sa Holy Land, sa September ay ia-announce na niya kung sa ABS-CBN 2 o sa GMA 7 na ba siya magtatrabaho.
***
Kinumpirma ni Katrina Halili sa Startalk ang sumbong ni Alyssa Alano na inisnab at inirapan sila ni Rizza Santos (ng PBB Celebrity Edition) sa FHM event nu’ng Huwebes.
Ayaw sanang ipasulat ito ni Alyssa pero lumabas na rin dahil naitanong ito kay Katrina.
Naabutan daw ni Alyssa si Rizza sa dressing room ng backstage at nginitian niya ito. Tiningnan daw siya nito ng masama at inirapan.
Nagulat si Alyssa dahil nginitian lang niya ito kahit hindi sila magka­kilala.
Hindi lang minsan iyun kundi pati sa may backstage ay nakita ni Alyssa na tinitingnan siya ni Rizza mula ulo hanggang paa at nagtatawanan pa raw sila ng mga kasama nito.
Hindi na raw pinansin iyun ni Alyssa pero nalaman din niya na pati pala si Katrina ay inirapan ni Rizza.
Habang ini-interview nina Manay Lolit at Butch sa Startalk si Katrina, may mga ilang taga-Dos ang nag-text sa akin na may kasuplada­han daw si Riza.
Ayaw na itong patulan pa ni Katrina dahil hindi raw iyon makakatulong sa kanya.
Sa totoo lang, si Katrina pa rin ang pinakamalakas at mas tinilian at pinalakpakan nu’ng gabing iyun.
Wish niya na sana, sa susunod na taon ay ma­balik sa kanya ang korona bilang #1 Sexiest Pinay.
Si Katrina ang bida sa MMFF entry ng Canary Films na One Night Only na baka makasama raw sina Roxanne Guinoo at Angelica Panganiban.
Si Katrina rin ang kinuha ng OctoArts na gaganap sa remake ng Miss X na dating ginampanan ni Gov. Vilma Santos.
Bukas ay ia-announce ito ng OctoArts sa movie press at excited si Katrina lalo na’t magsu-shooting ito sa Amsterdam.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES