WOW naman ang Eat Bulaga sa Los Angeles, isinama ang members ng Wednesday Club led by Ma’am Malou Choa Fagar, Anna Pingol of Yes magazine, Ian Fariñas, ang entertainment editor ng morning Abante na si Dondon Sermino at si Allan Diones.
What is ironic (nga bang matatawag ‘yun or blessings?) ay nanduon din sa Los Angeles ang karamihan ng mga kolumnista ng Abante at Abante TONITE like Jojo Gabinete, Jun Lalin at Joe Barrameda kaya umatras na si Gorgy Rula dahil wala na raw kasama si Jerry Olea kapag sumama pa sila ni Jun Nardo.
Kaya naman punong-puno ng balitang-Hollywood itong Abante ngayon sa buong katuwaan ng mga nagbabasa sa internet ng leading tabloid sa Pilipinas -- lalo na ang kaibigan naming si Tim Evans ng US Immigration na bago matulog sa gabi at bago papasok sa trabaho ay Abante muna ang binabasa para may update siya sa local showbiz.
Dapat kay Tim Evans ay maging reporter na rin dahil very amusing ang mga anekdota niya tungkol sa celebrities na nagdaan sa desk niya for entry visas.
Sa desk ni Tim Evans ay nagdaan na ang Prince Jeffri ng Brunei, Madonna, Britney Spears, Paris Hilton, David Beckham, Victoria Beckham (misis ni David) ng Spice Girls, Naomi Campbell, Brad Pitt, Angelina Jolie, Michael Jackson at marami pang iba.
Naka-jackpot si Tim Evans kay Beckham dahil buong puwersa na yata ng media ay nanduon sa LAX at nag-aabang sa pamosong football player kaya sa kuwadra ng immigration ito itinuloy at si David ay go sa toilet para jumingle.
Eh ang lapad ng buckle ng sinturon ni David kaya pull down niya ang buong pantalon niya at hinayaan ang ‘peter’ niya na umihi mag-isa na hindi niya hawak!
Kaya nakatiwangwang ang potsu na nota sa buong pagkagulat ng jumingle din kuno na Tim Evans!
Lumingon lang si David sa nakatingin sa kanyang si Tim and smiled.
Mabait pala ang pamosong football/soccer player, pero pinaka-superbait sa lahat si Michael Jackson!
***
Same ang scenario sa pagdating sa LAX nina Juday at Ryan na kasabay sa plane sina Tito Sotto at Helen Gamboa.
Pinagkaguluhan sa airport sina Juday at Ryan sa dami ng mga nagpapa-picture kaya para hindi magkagulo sa immigration entry ay dinala ang dalawa sa VIP exit. Dumating na sa Radisson Hotel (na malapit lang sa airport) sina Tito at Helen eh wala pa sina Juday at Ryan.
Naantala pa rin pala sila ng ibang Filipino immigration officers na nagpa-picture with them.
Tinangka ni Tim Evans na sa immigration desk na sana niya ipila ang dalawa pero hindi inabot ni Tim, kasi nga, dinala na ang dalawa sa VIP exit.
Speaking of VIPs, aba, talbog ang Dondon Sermino kina Ian Fariñas, Anna Pingol at Allan Diones na komo may ‘I’ visa ay nabigyan ng D/S entry visas.
Nagmamalaki pa ang Dondon, kasi, until January 2009 (bale six months) ang ibinigay sa kanyang duration ng stay niya sa USA.
Kabado ‘yung tatlo dahil sabi namin, ang ibig sabihin ng D/S ay “don’t stay” kaya magbalut-balot na sila at sinusundo na sila ng immigration officer para ibalik ng Pilipinas!
Napurnada raw ang balak ni Allan Diones to stay until October sa Amerika para malibot niya ang lahat ng lugar na dati eh nababasa lang niya.
Pinakiusapan namin si Tim Evans na puntahan kami sa Radisson Hotel and check the visa given to Ian, Ana and Allan.
Nu’ng makita ni Tim ang entry sa passport nu’ng tatlo, si Dondon naman ang maiyak-iyak sa inggit.
Ang ibig sabihin pala ng D/S na inilagay sa entry visa nu’ng tatlo ay ‘duration of stay,’ meaning, pwede sila sa Amerika hanggang gusto nila komo journalists sila at ‘yung ‘I’ visa nila means ‘Information,’ pwede silang gumala around America to gather news!
In others words, walang taning ang pananatili nila sa Amerika, huh, Jun Nardo! Kaya ba ng powers mo ‘yun?
***
Hinintay namin sa lobby ng hotel ang pagbaba nina Juday at Ryan.
Ipinanhik lang ng dalawa ang mga gamit nila at nagyaya ang Juday kumain sa labas kasi sarado na ang hotel restaurant. Sinundo sina Juday ng kaibigan nilang si Gracie na taga-Amerika at kakain daw sila sa In-N-Out burger na ewan ko naman kung bakit pinipilahan ang humburger na lasang-McDo lang naman at Jollibee.
Malaki ang burger inn na ‘yun malapit sa LAX at hotel namin, pero bukod sa sangkatutak na mga tao sa loob at labas ng burger inn ay pila rin ang mga sasakyan na kinukunan ng orders na ‘to go.’
Sinundan namin nina Tim Evans, Michael Conan at Chandro Concepcion sina Juday.
Nagpunta pala sila kina Gracie at sa ibang In-N-Out na sila kumain. Bumalik sila sa hotel nang 2:00 AM na.
Antok na antok sina Juday at Ryan na ewan kung bakit hindi raw nakatulog sa eroplano.
Natulog naman daw si Juday sa sasakyan habang papunta sila kina Gracie at sa In-N-Out.
***
Kinabukasan nang tanghali ay nag-gym sa ibaba ng hotel sina Juday at Ryan.
Pagkapaligo ay tumuloy sila sa sports arena para sa rehearsals ng show ng Eat Bulaga.
Tuwang-tuwa ang producer na si Ana Puno dahil soldout ang mga mamahaling tiket.
Naunang naubos ang mga VIP ticket na tig-$100. Kahit marami pang nagpapareserba ay mga $25 ticket na lang ang available the day before the saturday night show.
First time daw kasing mapapanood ang buong tropa ng Eat Bulaga na sinuportahan pa ng tambalan nina Juday at Ryan, Dingdong Dantes at Marian Rivera, unlike ‘yung mga artista raw ng TFC na halos linggu-linggo na lang o buwan-buwan ay nanduon sa Amerika bukod pa sa nagsasawa na raw sila sa kapapanood sa mga ito araw-araw.
There’s always a saturation period for anyone, ‘no?!
‘Yun lang press conference na idinaos ay dinaluhan na yata ng lahat ng press at nagpapanggap na press, Pinoy man o mga taga-ibang bansa and channels in America!
***
The entire Eat Bulaga troupe will journey via one big bus to Las Vegas nang Sunday morning and will fly back to Manila on Tuesday, July 22 via Vegas and stopover sa Vancouver, Canada to the Philippines.
First time ko lang nalaman in all the years of my travel na may PAL flight na pala to Las Vegas.
Maiiwan sina Juday at Ryan sa Los Angeles at mula roon ay sa July 22 rin ang balik nila ng Pilipinas.
Pinasunod daw ni Juday sa LA ang personal make-up artist niyang si Nonong (na kasama rin niya sa Paris Cinema International Film Festival).
Anticipating na kami sa red carpet welcome sa amin sa Las Vegas ng mga kaibigan naming sina Ramil Andrada, Dina at Odi Maningas!
Ibinalita rin ni Dina na nakalabas na pala ng ospital ang inatake sa puso na best friend ni Ronnie Carrasco na si Alfred Yumul.
Kasabay namin sa flight namin nu’ng Martes si Dra. Loi Ejercito with Beaver & Jackie Lopez and their son.
Inihatid sila sa airport ni Jude Estrada at sa LAX naman ay si Jinggoy Estrada ang sumalubong sa mother dear nila.
Kinabukasan pala ay bumalik na ng Pilipinas si Jinggoy kaya na-miss ni Joe Barrameda na kinabukasan naman dumating ng LAX.
Wala raw kasing sponsor si Joebarr! Hahahaha!!!
|