|
6-11 Garnett,ipipirmis sa TimberWolves Tamaraws, masusubukan ang Archers
|
SPORTS
UPDATE
Complete line-up kelan pa? By July 25 pa pala ang alis ng RP team patungong Tokushima Japan. Hanggang ngayon ay wala pa rin nilalabas na complete at final line-up. Balita natin, ilalabas lang ang final line-up ng tropa kapag nandun na sila sa Japan. Ano kaya yun? Tsika pa naming, malamang hindi makasama sina James Yap, Danny Seigle at Mark Caguioa na pawang may iniindang mga injuries. Sino pa ba ang natitira na siguradong makakasama sa Japan? Sina Jimmy Alapag, Ren-ren Ritualo, Asi Taulava, Mick Pinnisi, Tony dela Cruz, Kelly Williams, Jay-jay Helterbrand, Eric Menk, Dondon Hontiveros, Gabe Norwood. Sino pa kaya? Abangan na lamang natin kung sinu-sino talaga ang lalaro dun. *** Habang sinusulat natin ang pitak na ito ay lamang ng 11 points ang Alaska. Sa totoo lang kapag hindi pa nakuha ng TNT ang laro kagabi, malamang ang Aces ang siyang mag-uuwi ng kampeonato sa Friday. Kagabi ang tsansa ng Phonepals na masikwat ang kampeonato ay may pagdududa. Partida pa sa TNT ang laban sa kadahilanang hindi 100% ang ipinapakitang laro ni Mike Cortez dahil sa nananakit niyang tuhod. *** Mapapaso na pala ang kontrata ni Jun-jun Cabatu sa Welcoat ngayong taon. How true na nagkaka-interes nga ba ang kampo ng Purefoods sa kanya. Bagay na bagay si Jun-jun sa naturang team, batang-bata at kayang makipag-sabayan sa mga players ng Giants. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|