|
6-11 Garnett,ipipirmis sa TimberWolves Tamaraws, masusubukan ang Archers
|
SPORTS
UPDATE
Las Piñas Fastest Win ngayon Magmumula sa Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas, Pasay, Laguna at Cavite ang mga sabungerong magkakasubukan ngayon sa dinadayong "Fastest Win One-Cock Timbangan" ng Las Piñas Coliseum umpisa ala -una ng hapon. Gaganapin ang pagtitimbang ng mga manok mula 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali. Susundin ang "bracket of five" format ngayon, ayon kina hosts Benjie Castañares at Jeff Boyo. Pagkakalooban ng P5,000, P3,000 at P2,000 ang unang tatlong mananalo. Isang 3-cock derby naman ang isusunod sa Sabado, July 21 sa pamamahala ng Kernel LPC group. Samantala, sa unang linggo ng Agosto na sisimulan ang screening ng stags para sa "LPC Annual 7-stag derby" (Aug. 23 at 25).
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|