|
6-11 Garnett,ipipirmis sa TimberWolves Tamaraws, masusubukan ang Archers
|
SPORTS
UPDATE
Stags at Cardinals binuwenas Ni Ace Pasco Idinaan ng San Sebastian sa tiyaga sa depensa ang pagkukulang sa ibang bagay samantalang sumakay naman sa buwenas at maasahang kamay ni rookie Jonathan Banal ang Mapua para parehas umangat kontra magkahiwalay na karibal sa NCAA. Nilimitahan ng SSC Stags sa 20-of-58 shooting o 35% clip ang St. Benilde Blazers sa 60-54 win para ilista ang ikatlong panalo sa limang laro at angkinin ang solo ikalawang puwesto sa likod ng co-leaders San Beda at Letran. Sinundan ito ng roller-coaster tagumpay ng Cardinals na matapos pawalan ang 8-point lead kalagitnaan sa huling yugto’y panakaw na naipuwersa ang overtime kontra Perpetual at naiuwi pa ang 85-75 pananaig. Itinala ni Leo Isaac ang ikalawang NCAA coaching career win, ang nagpaangat sa Cardinals sa 2-4 record para ibuhol ang tabla kasama ang ginaping Perpetual sa third place. Nagtatak si Mapua skipper Kevin dela Peña ng triple-double 23 points, 11 assists at 10 rebounds habang nanguna si Sean Co sa mga scorers sa 26 markers. Subalit pinakamalaki ang pasasalamat ni Isaac kay Banal, ang bunsong anak ni dating San Beda mentor Koy sapagkat ang dalawang pressure-packed foul shots nito wala nang oras na nalalabi sa gameclock ang nagpaabot ng laro sa overtime samantalang ang three-point shot sa extension ang naghatag sa momentum swinger 77-70 lead dalawang minuto na lang sa laro. Masaklap ang pagkatalo ng Perpetual matapos maimintis ang apat na charities sa mga huling sandali ng regulasyon habang hawak ang 68-66 lead. Ang mas mahapdi dito’y tatlong segundo na lang sa oras at walang tsansa para sa matinong attempt ang Mapua ay nai-foul pa ni Altas shooter Mark Kong si Banal sa halfcourt kasabay ng pagtunog ng game buzzer. Ang nagbabalik-bench na si San Sebastian mentor Jorge Gallent nama’y masaya na sa naidisenyong panalo kahit pa hindi ito pasado sa kanyang marka. "Our goal was to limit them (Benilde) to 15 points in every quarter," paliwanag ni Gallent, mainit-init pa galing sa one-game suspension dulot nang pagka-thrown out sa laro kontra Letran. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|