|
6-11 Garnett,ipipirmis sa TimberWolves Tamaraws, masusubukan ang Archers
|
SPORTS
UPDATE
Tamaraws, masusubukan ang Archers (Ace Pasco) Sa tingin ni rookie coach Glenn Capacio, hindi ‘unbeatable’ ang De La Salle. "We just have to find their weaknesses," ani Far Eastern U Tamaraws mentor matapos ang kanilang 81-66 ambush sa defending champion UST Tigers noong Sabado. Limang araw matapos bitawan ang mga katagang iyon, masusubukan kung kaya itong panindigan ni Capacio sa pagsuong ng kanyang Tamaraws kontra DLSU Archers sa ganap na alas-4 ng hapon sa UAAP men’s basketball sa Ninoy Aquino Stadium ngayon. Walang bahid-dungis ang Archers sa dalawang laro kung saan tinambakan nila ng 21 ang UP Maroons (82-61) habang ibinaon ang Adamson sa agwat na 24 (99-75). Nagbabalik matapos ang isang season na suspensyon dulot ng eligibility scandal noong 2005, kitang-kita ang gigil sa La Salle sa unang dalawang laro sa episyenteng 54% average sa field bilang numero unong offensive team sa liga sa 90.5 point average. Ipinagkibit-balikat lang ito ni La Salle mentor Franz Pumaren sa pagsasabing hindi pa sila nasusubok nang husto sa dalawang unang nakatunggali. Ani pa ng bagong talagang RP Youth coach na si Pumaren, malamang FEU ang una nilang pagsubok. "FEU is not a team full of rookies. ‘Yung rookies nila, rookies lang by classification pero playing-wise, veterans na sila kaya malakas pa rin ang FEU," ani Pumaren. Sa unang laro sa alas-dos, maghaharap ang UST at Adamson. Kapwa walang panalo ang dalawang tropa. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|