SINAGAD SA PITO!

6-11 Garnett,ipipirmis sa TimberWolves

Tamaraws, masusubukan ang Archers

Stags at Cardinals binuwena

Las Piñas Fastest Win ngayon 

PICAA opening


Inbound


 

 

SPORTS UPDATE

KEVIN GARNETT

SINAGAD SA PITO!

Ni Ramil Cruz


Nagngangalit na hinagupit ng Alaska ang Talk ‘N Text sa umpisa pa lang para mademolis sa 121-110 at pagbiyak sa 3-3 ng kanilang finals kagabi.

"We’re going into Game 7. We didn’t accomplish anything yet," komento ni winning coach Tim Cone. "Hopefully, we come out and play the same tonight come Friday.

"We played the game we want to play. We played with a lot of energy," dagdag pa ni Cone, na nabuhayan upang masundan ang huling championship sa 2003 Invitationals at sa regular conference 2000 All-Filipino Cup.

Pero ‘di naman nabasag kaagad ang kalooban ng Phonepals at nakabangon para makatabla’t makalamang sa 34-22 sa rolyo ng first quarter bago muling umalagwa

ang Aces sa 98-76 advantage sa sigwadang-sigwada ng final canto.

Bilang pambawi sa nakakadismayang 6 points sa 33 minutes of action, na may 2-for-8 lang sa field, umeksenang import si Willie Miller sa pagsubi ng career-high 37 points sa 14-of-28 sa field goal sa 44-minute job, habang may mahalagang kapos lang ng dalawang assists si Rosell Ellis na may 22 pts at 16 rebounds.

Si Nic Belasco ay nagkontribyut ng 14 pts. kasabay sa pagtanghal din sa kanya bilang 56th member ng elite 5,000 points club sa 32-year ng pro league.

Nagkasya lang si Mark Cardona sa 29 pts at si JJ Sullinger ay may 24 at

rebs. sa panig ng TNT.

Ang winner-take-all Game 7 ay bukas ng alas-7:05 ng gabi.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top