|
|
ENTERTAINMENT
Maricel, iba ang ganda kay Angelica Kapansin-pansin ang ganda
ng pangangatawan ni Aga Muhlach ngayon. Kaya tinanong siya kahapon sa
presscon ng pelikulang A Love Story kung handa na siyang makipagsabayan
sa mga nakakabatang artista sa pagpapaseksi. Natawa si Aga. Ginawa lang daw niya ito para sa naturang pelikula kung saan ang katambal niya ay sina Maricel Soriano at Angelica Panganiban. "It’s my responsibility to look good," sabi ni Aga, at gusto rin niyang maging maganda ang pakiramdam niya. "It’s about time (na magbawas ako ng timbang). Galing ako sa mahabang bakasyon, and I’m not getting any younger." Happy si Aga sa estado niya at mas binibigyan niya ng pansin ang pamilya niya. Wala na siyang panahon para gumimik kasama ang mga kaibigan. Mas gusto niyang magtigil sa bahay. Napakasarap daw ang feeling na pagkatapos mong magtrabaho ay may uuwian kang bahay na naroon ang pamilya mong naghihintay. Sa guwapo ni Aga ay hindi nawawala ang mga babaeng nagpapantasya sa kanya. Aminado ang aktor na kahit may asawa at mga anak siya ay naa-attract pa rin siya sa mga magagandang babae, pero hindi raw ibig sabihin niyon ay magloloko siya. Normal sa isang lalaki na ma-attract sa mga babae. Alam daw ng asawa niya ‘yun at madalas nababanggit niya kay Charlene Gonzales ang mga babaeng hinahangaan niya. Tungkol sa mga anak ay pantay-pantay raw ang tingin niya, kasama na si Iggy Boy na anak niya kay Janice de Belen. May contact pa rin siya kay Janice with regards to Iggy Boy. Kapag lumalapit daw sa kanya si Iggy Boy ay tinatawagan daw muna niya si Janice para hingan ng approval sa mga request ng anak nila. *** Hindi nalalayo ang kaseksihan at ganda nina Maricel Soriano at Angelica Panganiban
Naalala nga ni Maricel noong maliit pa si Angelica at hindi niya maubos-maisip na ngayon ay matangkad pa ito sa kanya. Hindi nagbabago ang anyo ni Maricel at kung titingnan mo ay walang nagbabago sa itsura niya. Maganda at sariwa ang lola ninyo. Iniiwasan ni Maricel ang rice or mga carbo food at madalas siyang mag-threadmill. Iba ang ganda ni Maricel kumpara sa mestisang si Angelica. Ilang taon pa ay makikita ninyo mukhang mas matanda si Angelica kay Maria. Madaling tumanda ang mga mestisa, ‘no?! *** Naging mag-ina sina
Maricel at Angelica sa mga pelikulang Ama, Ina, Anak at Separada, at
magkapatid sa teleseryeng Vietnam Rose. Sa A Love Story ay magkaagaw na sila sa isang lalaki. Sabi ni Maricel, ganu’n talaga ang mga artista, iba-ibang papel ang ginagampanan. Si Tirso Cruz III ay unang nakasama niya bilang kapatid. Tapos, naging anak siya nito. Kasunod ay mag-asawa sila. Pahayag ni Angelica, "Working with Mama (Maricel) is a big privilege. Pag katrabaho mo siya, macha-challenge ka. "Noong una, nakaka-intimidate. Pero ipararamdam niya na maging comfortable ka sa kanya. "Dinadala niya ako sa isang sulok bago namin gawin ang eksena. May briefing. "Kaya pag pauwi na ako pagkatapos ng shooting, tuwang-tuwa ako. Biruin mo, isang Maricel Soriano, nagko-concentrate sa ‘yo? "Kung ‘yung iba, hindi ka papansinin. "Kaya maging ano man kami -- mag-ina, magkapatid, magkaaway -- mahal namin ang isa’t isa." *** Nairita kami sa preskon ng A Love Story kahapon dahil mas marami pa ang mga amuyong kesa sa mga inimbitahang press. Kaya ayun, ‘yung mga medyo late na movie writer ay wala nang maupuan at wala na ring makain. Ayon sa mga taga-Star Cinema ay mga OJT ‘yun. Bakit ba isinabay sila sa preskon? Aba, malalakas silang kumain at maiingay! Naiirita pati ang iba naming kasamahan sa panulat. Sabagay, kahit sa ibang preskon ay napapansin namin na madalas maraming kamag-anak ng mga artista ang nasa preskon, na inookupan ang isang mesa at kesehodang walang mauupuan ang mga press na inimbita.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|