|
|
ENTERTAINMENT
Pagtataksil kuno ni Kiko, tinawanan ni Sharon Tinatawanan lang ni Ms.
Sharon Cuneta at ng mister niyang si re-elected Senator Kiko Pangilinan
ang hindi mamatay-matay na intriga na kesyo naghiwalay na sila dahil may
ibang babae kuno si Sen. Kiko. "You know what? Actually, nagulat ako roon," dayalog ni Sharon nang makausap namin siya sa thanksgiving dinner na binigay nilang mag-asawa para kay Mother Lily Monteverde at sa entertainment press kamakalawa sa La Mesa Grill sa TriNoma mall. "Sabi ko kay Kiko, ‘Uy, dapat tapos na ‘yung period ng intrigahan kasi, nanalo ka na, di ba?’ Parang meron pang never say die. Siguro, bitter! "Kasi, nakarating sa amin kung sino (‘yung nagpapakalat ng tsismis), how sad nga, eh! Itanong natin kay Kiko kung sino! Ha! Ha! Ha! "Nagulat ako kasi, ‘pag gano’n, ang una mong tanong, ‘Saan galing? Sinong sumulat? Kanino identified ‘yon?’ May gano’n eh, di ba? "Tapos, magtatanong siya kunyari sa Senate… sabi ko, ‘My God! Daig pa nila ‘yung mga entertainment press na kakilala ko na susmaryosep, talagang nag-iimbento!’ Daig pa nila! Nakakatakot sila! "Tapos, merong showbiz press na pipikapin naman siyempre dahil trabaho n’yo ‘yon, naiintindihan namin ‘yon. But obviously, galing ‘yon sa detractors ni Kiko, kanino pa ba naman? "But I feel bad for them kasi, I really believe what goes around comes around," bulalas ng Megastar. *** So, hindi totoo na may eksenang nanugod daw siya ng kung sinong babae na naanakan daw ni Sen. Kiko? "Ay, my God! Alam mo, kung totoo ‘yon, it’s good na you asked, sa tingin mo in this day and age of texting and emailing and mga video sa celfone at mga MMS pictures na ‘yan, you mean to say, hanggang ngayon, wala pa tayong solid evidence? "Hindi ba?? Sabi nga ni Kiko eh, ‘Sana meron, para puntahan nating lahat!’ Kasi ako, I see my husband. Hindi ko alam kung saan pa siya kukuha ng oras kasi, mas busy ako sa kanya. Siya ‘yung mas madalas sa bahay! "So, next niyan, ako naman sana ang gawan ng istorya nang maiba naman. Para feeling ko, sexy ako!" natatawang biro ni Shawie. Never ba niyang pinagdudahan ang mister niya sa gitna ng pagkalat ng mga ganitong intriga? "No! I mean, you hear something, I think it’s only natural, it’s only normal, human ka lang, ‘Ano ‘tong lumalabas na ito?’ ‘Ay nako, sweetheart, ganito ganyan-ganyan…’ "And of all people, kami ‘yung mga artista na kung kani-kanino nali-link, na parang tapos na ‘yung relasyon, pinipilit buhayin ang patay, hindi ba? ‘Pag nabuhay naman, ang gusto paghiwalayin kayo. ‘Pag naghiwalay, magbalikan sana kayo. Ganyan talaga ang buhay natin! "I mean, I’m past that. Huwag lang ‘yung maaapektuhan ‘yung mga anak ko. But as long as I know better… kasi, parang they thrive on all kinds of mga atake, eh! "At saka I have friends na close sa akin in the business na I really trust, na alam kong, ‘Ito, atin lang, kuwentuhang magkakapatid at pwede akong umiyak…’ "So, baka kasama ko pa kayong mag-imbestiga kung totoo ‘yon, di ba? Eh kaso, wala naman talaga!" mariing sambit ni Mega. *** Siya ba ‘yung tipo ng asawa na manunugod kapag natuklasan niyang totoong may kalaguyo ang kanyang mister? "Ay, I am not afraid. I’m never afraid!" mabilis na sagot sa amin ni Shawie. "Kasi, ang sabi nila, di ba, you act edukada? I’m edukada, I already know it, you don’t have to remind me! Ha! Ha! Ha! "Edukada doesn’t necessarily mean you have a degree. I think edukada means how you conduct yourself in every area of your life. And I grew up in a family na I’m thankful to both my parents kasi, sa mommy ko galing ang culture, sa daddy ko galing ang cowboy (attitude). "So, growing up, I had the best of both worlds na gagamitin ko pala sa showbiz. Pero in that case, you mean to tell me, inaagawan mo ako ng mahalaga sa buhay ko, pati sa mga anak ko, tatahimik ako, ineng?? "Ah, hindeee!!! Magdadala ako ng film crew para may coverage, sasabunutan kita para alam nila na napakalandi mo! ‘Eto po ang babaeng nagnanais sumira sa pamilya namin!’ Patingin nga ng fez mo! "Ha! Ha! Ha! Joke lang ‘yon! Pero sasampalin ko siya, bubugbugin ko siya! Ha! Ha! Ha!" halakhak pa ng aktres.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|